Zsa Zsa, naiyak nang pasalamatan ang nobyong si Conrad

0
94



MANILA — “I want to grow old with you.”

Ito ang sinabi ng akres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang nobyong si Conrad Onglao.

Sa “Magandang Buhay,” nitong Biyernes, muling naging bukas si Zsa Zsa at Conrad sa kanilang relasyon, isang taon matapos nilang magkahiwalay at kanselahin ang kanilang kasal.

“I guess she’s my life, my life partner,” ani Conrad nang matanong kung ano si Zsa Zsa sa buhay niya ngayon.

“Si Zsa Zsa is very sweet, she’s very thoughtful and extremely generous at heart. I’m always touched by that so I always tell her always be like that,” ayon pa kay Conrad.

Para kay Zsa Zsa, nakikita niya si Conrad bilang isang taong makakasama niya hanggang sa natitirang bahahi ng kanyang buhay.

“Also my life partner, somebody that I see for the rest of my life, somebody to be with for the rest of my life,” ani Zsa Zsa.

Pag-amin ni Zsa Zsa, tunay ngang masaya ang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon.

At dahil sa kanilang pinagdaanan, mas naunawaan na nila ngayon ang isa’t isa.

“Everybody knows our history already. There was a time that we were apart and. So minsan nasabi ko sa sarili ko na ‘Lord, dapat ba nangyari yon na nagkahiwalay kami?’ Pero kung hindi nangyari ‘yon siguro mas hindi namin naintindihan ‘yung isa’t isa. So probably we just needed time apart but I don’t know, somebody asked me ‘is love lovelier the second time around?’ totoo din naman yon. I understand now that you truly are my partner for life. I want to grow older with you and enjoy doing all the things that we enjoyed doing together,” ani Zsa Zsa.

Hindi naman napigil ni Zsa Zsa ang maiyak sa pasasalamat kay Conrad dahil sa pang-unawang ibinibigay nito sa kanya at sa pagmamahal nito hindi lamang sa kanya kung hindi sa kanyang mga anak.

“Feeling ko ibinigay ka talaga ni God para sa akin dahil ‘yung time na sobra ang kalungkutan ko it was really difficult and — alam niya ito — sometimes kasi it’s hard for him kasi we’ve been together for three years pero I still grieve and he tries to understand this that deep inside it’s very difficult but he never judges me and he knows that our love is truly especial also. So thank you so much for understanding those moments. And thank you also for being there for my children because that’s really very important to me and how you instill ‘yung values na talagang family. ‘Yun ‘yung pinakagusto ko sa kanya yung gustong-gusto niya kapag magkakasama kami bilang isang pamilya,” ani Zsa Zsa
 
Matatandaang bago ang relasyon kay Conrad, si Zsa Zsa ang partner ng yumaong komedyante na si Dolphy.

Nang matanong naman kung matutuloy ba ang kanilang naudlot na kasalan ni Conrad, sinabi ni Zsa Zsa: “Darating din tayo doon, may inaayos lang.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments