Young actor, muntik himatayin | Tempo

0
49


Handler ni Kim Domingo ang dating handler ni Mark Herras na si Dianne na naanakan ng Kapuso actor. Kasama ni Kim si Dianne noong pocket presscon niya para sa kanyang photo book, “Kim Domingo: State of Undress.”

Tinanong ni Ricky Lo si Lolit Solis kung close ba sila ni Dianne. “Siya ‘yung nanay ng anak ni Mark,”walang kagatul-gatol na sabi ng manager ni Mark. Napangiti na lang si Dianne. “Hoy! Dianne, gusto mo dalhin ko sa ‘yo si Mark na nasa sako? Hahaha!” sey pa ni Lolit.

Kaaliw talaga si Lolit kapag bumuka na ang kanyang bibig. Walang preno.

May tsikang diumano’y hindi ipinapakita ni Dianne kay Mark ang anak nilang si Ada. Gusto sana naming tanungin si Dianne kung true ba ‘yun. Minabuti na lang naming manahimik para iwas-intriga.

Basta ang alam namin, happy si Mark sa relasyon nila ni Winwyn Marquez. Two years from now, pakakasalan na niya si Winwyn, ayon kay Mark.

Napapanood si Winwyn sa “Mulawin Vs. Ravena” bilang kanang-kamay ni Chynna Ortaleza, ang Reyna ng mga Ravena.

Samantala, hinangaan naman si Derrick Monasterio who plays Rodrigo/Almiro in MVR sa eksenang ibinitin siya ng patiwarik. Grabe ang torture scene ng actor na tumangging magpagamit ng double. Muntik na pala siyang himatayin sa hirap ng eksena.

Last Sunday ay kasama ni Derrick sa ginanap na mall show sa SM City San Jose del Monte, Bulacan ang MVR co-stars niyang sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Martin del Rosario at David Licauco.

Bumagay

Pansin ng entertainment writers sa presscon ng “Haplos,” bumagay kay Pancho Magno ang pagbawas niya ng timbang. Nag-iba ang aura niya. Iba raw talaga ang nagagawa ng pag-ibig .

Engaged na si Pancho kay Max Collins na biro ng press, talagang hindi na niya pinakawalan ang dalaga. “Ako ang hindi na niya pinakawalan,” joke ni Pancho.

Aniya, may mga proseso pang inaayos, kaya wala pang definite date ng kanilang Christian wedding. Sumasailalim din sila sa marriage counselling.

Katrabaho muli ni Pancho sina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa “Haplos.” Nagkasama sila sa “Encantadia” at sa “Haplos” ay love triangle sila.

Ano sa palagay niya ang estado ng relasyon nina Rocco at Sanya? “Friends sila,”ani Pancho. Siya ang nagbuko noon sa entertainment press na dumalaw sa taping ng “Encantadia” na isang Kapuso starlet ang apple of the eye ni Rocco.

Inamin naman ni Rocco na nagkaroon sila ng short-lived relationship ni Arianne Bautista. He claims, single siya ngayon. Owwwssss????

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/04/young-actor-muntik-himatayin/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments