Yeng excited to perform | Tempo

0
19


By GLEN P. SIBONGA

NANINIWALA si Yeng Constantino na malaki ang kinalaman ng pagkakaroon niya ng Mandarin version ng sikat niyang kantang “Ikaw” upang mapabilang siya sa performers kasama ang ilang sikat na Chinese artists sa kauna-unahang Phil-Chi Star Concert na pinamagatang “Nice To Meet You.” Produced by Philippine Dragon Media Network (PDMN), ang “Nice To Meet You” ay magaganap sa Jan. 17, 2018, 8 p.m., sa Mall of Asia Arena.

30yeng constantino copy

“I think ‘yun din ang isa sa reasons kaya napili po ako for this concert kasi nga mayroon akong isang Chinese na song. Well, we were hoping before na magkaroon nga ng gigs na ganito wherein makakakanta ako for the Chinese community and nakikita ko na ‘yung fruit ng ginawa namin sa Singapore. Sobrang nakakatuwa na mayroong ganitong opportunity. Siyempre tayong mga Pilipino, bukod sa nakakapag-perform tayo sa Pilipinas, gusto natin na nagpe-perform para sa ibang lahi,” sabi ni Yeng.

Bukod kay Yeng, kabilang din sa Pinoy artists na magpe-perform sa concert ang Chinita Princess na si Kim Chiu at ang tanyag na Loboc Children’s Choir mula sa Bohol. Makakasama nila ang sikat na Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan), at Da Zhuang.

Nakipagsanib-puwersa ang Philippine Dragon Media Network sa Star Music at Cornerstone Entertainment upang mapagsama ang Pinoy artists at Chinese stars sa isang concert stage. Layunin ng “Nice To Meet You” concert na ma-promote ang Filipino at Chinese music industry, kasabay na rin ng deeper appreciation sa dalawang kultura.

Mabibili ang tickets para sa concert sa lahat ng SM Malls Ticket Selling Outlets, Lucky Chinatown Mall Ground Floor Concierge, at sa smtickets.com para sa online ticket purchase.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/30/yeng-excited-to-perform/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments