Yeng Constantino, nais nang magka-baby

0
78



MANILA — Sa kabila ng kanyang busy schedule, inamin ni Yeng Constantino na sinusubukan na nila ng asawang si Victor “Yan” Asuncion ang magkaroon ng anak.

Nitong Miyerkules sa “Magandang Buhay,” inamin ni Yeng ang plano nilang magkaroon ng baby.

“Gusto na talaga ni Yan. Kung sa aming dalawa kung iwe-weigh natin, si Yan lagi ang nagsasabi na ‘ang cute ng baby girl, o ang cute ng baby boy’ so ‘yun nagta-try na po kami,” pagbabahagi ni Yeng.

Hiling pa ni Yeng, kung saka-sakali ay tulungan siya ng “Magandang Buhay” para sa pagdaraos ng kanyang gender reveal party.

“Pwedeng mag-request ‘Magandang Buhay,’ gawa tayo ng baby reveal,” ani Yeng na kinikilig sa kanyang sinabi.

Kamakailan lang ay naglaan ng oras para sa isa’t isa ang mag-asawa nang magtungo sila sa Palawan.

Setyembre noong nakaraang taon nang sabihin ni Yeng sa “Magandang Buhay” ang plano na huwag munang magkaanak ngayong 2017.

Ayon kay Yeng ito ay sa dami ng mga proyektong kanyang gagawin.

Matatandaang ikinasal si Yeng at Victor noong Pebrero 2015.

Maliban sa pagiging isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan,” si Yeng ang napili para umawit ng “Ang Tagumpay Nating Lahat” para sa mga atletang ilalaban sa Southeast Asian Games.

Ilalabas din ang single na ginawa niya kasama si David Moffatt ng dating grupong The Moffatts.

Nakatakda din siyang maging parte ng Singapore Street Festival 2017 sa Hunyo 18.

Sa Setyembre 15 ay nasa Cuneta Astrodome si Yeng bilang guest artist sa concert ni Brian McKnight.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments