Xander Ford, may deadline para ‘sumulpot’ kung ayaw managot

45



 

Binigyan lamang ng palugit na hanggang ngayong Lunes, Nobyembre 27, si Xander Ford o Marlou Arizala para magpakita sa artist management agency na may hawak sa kaniya, kung ayaw niyang managot dahil sa hindi pagtupad ng kontrata.

Sa Facebook post ng Star Image Artist Management nitong Nobyembre 26, inilakip ang video ng ina ni Xander Ford na si Merly Arizala.

Ayon sa ina ng aktor, hindi niya rin alam kung nasaan talaga ngayon ang kaniyang anak.

Nalaman din lang daw niya mula sa kapatid ni Ford na dumating pala sa bahay ang aktor, pero umalis din agad na kasama ang nagngangalang “Mark” at “Marj”.

Pinagsabihan din ng ginang ang anak na alalahanin ang pinirmahang kontrata sa manager na pupunta sa lahat ng events na itinakda ng kaniyang management.

Ayon sa talent agency, maaaring managot si Ford sa mga danyos legal dulot ng hindi niya pagdalo sa dalawang events nang wala man lang anumang paalam o pasabi.

Hanggang sa maisulat ang artikulong ito, wala pang tugon ang Star Image Artist Management kung nagpakita sa kanila si Ford nitong Lunes.

Noong Biyernes, Nobyembre 24, sinabi ng talent agency na nawawala si Ford mula noong Huwebes.

Pero nagbago ang ihip ng hangin nang lumabas ang isang video ni Ford sa Facebook post ng online personality na si “Senyora”.

“Actually, guys, nagpapahinga lang ako ngayon. Siguro pagod na pagod po ako. Actually kung makikita niyo po sa itsura ko wala pa po akong kain,” saad ni Ford sa video. 

“And gusto ko po sana huwag po munang mag-work kahit ilang buwan lang po. Napapagod po ako. Di po ako robot.”

Naging trending topic nito lang Oktubre si Ford matapos lumabas sa “Rated K” para ipakita ang kaniyang bagong hitsura kasunod ng cosmetic surgery.

Dati siyang miyembro ng grupong Hasht5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments