Without a doubt my greatest achievement to date! – Rachel Peters | Tempo

0
33


By RUEL J. MENDOZA

Ang kumain ng maasim na sinigang ang unang ginawa ni Miss Universe Philippines Rachel Peters pagkatapos niyang makipag-compete sa 2017 Miss Universe sa Las Vegas.

Umabot si Rachel hanggang Top 10 at para sa ibang kababayan natin, sapat na iyon dahil suwertehan talaga ang lumaban sa isang malaking pageant tulad ng Miss Universe.

Sa Instagram ni Rachel, nag-sorry pa ito sa Pilipinas dahil parang mabigo niya ang maraming umaasa sa kanya na mauwi ang ikaapat na Miss Universe crown para sa bansa.

Pero marami ang nagsabi na hindi niya dapat ginawa ang mag-apologize dahil ginawa naman niya ang dapat at kung hanggang doon lang ang kapalaran niya sa Miss Universe, walang makakapagbago no’n.

“Without a doubt my greatest achievement to date! To be the 66th Filipina to stand on the Miss Universe stage with the most beautiful girls in the world, and to represent the most amazing country- Ang mahal kong Pilipinas!,” post pa ni Peters sa kanyang IG.

Dagdag pa niya: “Thank you so much to everyone who was part of this journey, i am SO lucky to have every single one of you in my life. Never in my wildest dreams did I ever imagine I would be brave enough to do something like this, but you all are the reason I got to where I am. I’m still so overwhelmed by all the love. First thing on the agenda-Sinigang!!!”

Pagkatapos naman makoronahan si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters bilang ang bagong Miss Universe, si Rachel ay ‘di pa muna nagpahinga at nagpa-pizza party ito para sa mga kababayan niyang binisita siya at nagbigay pa rin ng suporta kahit na ‘di siya nanalo.

Kung nagpa-pizza party si Rachel, ang bagong Miss Universe naman daw ay sumugod agad sa dessert buffet sa Planet Hollywood at lahat daw ng matatamis na dessert na iniwasan niya during the pageant ay tinikman niya!

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/12/01/without-a-doubt-my-greatest-achievement-to-date-rachel-peters/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments