Wish ni Freddie Roach, ganahan uli si Pacquiao patumbahin ang mga kalaban

0
98



Freddie Roach sa gitna ng mitt training nila ni Manny Pacquiao sa Elorde Boxing Gym Miyerkoles. Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

Hindi lang boxing fans ang nananalig na manumbalik ang pagiging knockout artist ni Manny Pacquiao.

Mismong si Freddie Roach ay nangangarap pa rin, kahit inamin niyang imposible nang mangyari ito.

“I don’t expect short fights anymore with Manny. He hasn’t got a knockout in years, so why would I put myself out on the line?” sabi ni Roach habang pinamamahalaan ang training ni Pacquiao sa Elorde Boxing Gym sa Pasay City Miyerkoles. 

“I’d love to see him knock out guys, but sometimes I wish it would come true.”

Huling pinahalik ni Pacquiao ang kanyang kalaban sa lona noong Nobyembre 2009, kung kelan tinalo niya si Miguel Cotto.

Halos walong taon na mula nang magwagi siya kay Cotto at tila naging kontento na lang si Pacquiao na sagarin sa 12 rounds ang kanyang mga laban at umasa sa judges’ score.

Paniwala ni Roach, ang pagiging Kristiyano nito higit sa pagiging politiko ang dahilan ng pagbabago ni Pacquiao.

Tulad ni Pacquiao, isang kilalang slugger ang susunod niyang kalaban sa ika-2 ng Hulyo na si Jeff Horn. 

Sapagkat magkatulad ang kanilang fighting style, nakikita ng karamihan na magiging ma-aksyon ang kanilang engkwentro sa Brisbane, Australia, na kung susumahin ay maaaring humantong sa knockout.

Pero hindi na umaasa si Roach na mangyayari pa ito.

“(From) killer instinct and no killer instinct, he doesn’t have that in years,” Roach said. “It’s always a concern, but it’s something we have to deal with.” — may kasamang ulat ni Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments