‘Wildflower’ cast naghandog ng mini concert para sa mga sundalo

0
62



Level up na kasiyahang handog ng ABS-CBN stars, sa pangunguna ng cast ng top-rated na teleseryeng “Wildflower,” ang napanood ng mga sundalo at medical staff ng AFP Medical Center na ipinagdiriwang ang kanilang ika-80 na anibersaryo.

Timing ang naging schedule, ayon kay Maja Salvador, dahil wala silang taping Huwebes. 

“Kung may time naman sa schedule, why not?” aniya. “Salamat sa ABS-CBN Public Service dahil in-invite ang ‘Wildflower’ para magbigay-saya sa ating mga sundalo, sa ating mga heroes.” 

Tumayong host ng event sina Eric Nicolas at Roxanne Barcelo. Present din ang “Wildflower” cast na sina Vin Abrenica, Tirso Cruz III, RK Bagatsing at Joseph Marco na saludo sa mga sundalong naka-bonding nila.

Ani Marco: “It’s an honor na makasama sa mga ganito and we’re so thankful na na-invite kami dito kasi sobra ang trabaho nila at hindi biro ang ginagawa nila.” 

Nag-perform din ang “Tawag ng Tanghalan” champion na si Noven Belleza at muli niyang inawit ang pinasikat niyang Air Supply medley na sinabayan naman ng mga fans.

“Alam naman po natin na sila ang nagtatanggol sa ating bansa, nakikipaglaban, iniiwan ang kanilang mga pamilya, nasa Mindanao sila at nakikipaglaban. Kaya’t kahit sa ganitong paraan, mapasaya namin sila,” ani Belleza.

Samantala, nagbigay naman si Gerald Anderson ng good vibes na mensahe.

“Hindi naman talaga ako kasama dito pero nang nalaman ko nagpa-invite ako (Miyerkoles) lang. Actually sabi ko, ‘Tara na! Let’s do it, kahit ano para sa kanila.'” 

Nagpapasalamat ang mga sundalo at bumubuo ng AFP Medical Center sa Kapamilya stars na nagbigay-oras para makasama sila sa mahalagang okasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments