Warriors 2-0 na – Remate

0
56


MATAGUMPAY ang pagbabalik ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr kaninang umaga, Lunes, matapos muling talunin ang defending champion Cleveland Cavaliers sa iskor na 132-113.

Pinalakpakan si Kerr ng Warriors supporters nang mapalawig pa ang kanilang perfect record sa NBA playoffs na 14-0 at umabante pa sa 2-0 laban sa Cavs sa best-of-seven NBA Finals.

“It felt great. Got a really nice reception,” pahayag ni Kerr. “It was just great to be on the sidelines again. That’s what makes it so much fun, to feel the energy of the finals. It’s really nice to be back.”

Habang wala si Kerr, pansamantala itong pinalitan ni assistant coach Mike Brown na siyang nagmando sa Warriors sa 11 panalo, at winalis ang Portland, Utah at San Antonio bago nakuha ang unang panalo sa NBA finals nitong nakaraang Biyernes.

Samantala, muling nanguna sa panalo ng Warriors ang dalawang MVP na sina Kevin Durant na may 33 points, 13 boards at anim na assist, habang kumana naman ng triple-double 32 points, 10 boards at 11 assist si Stephen Curry para makuha ang dalawang panalo sa kanilang bahay.

Apat na Warriors pa ang nag-ambag ng double digit na sina Klay Thompson, Draymond Green, Shaun Livingston at Ian Clark na may 22, 12, 10 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa panig ng Cavs, nanguna pa rin ang Big 3 nitong sina LeBron James na naka-triple-double 29 pts., 11 rebounds at 14 asssist habang may 27 at 19 puntos naman sina Kevin Love at Kyrie Irving.

Gaganapin ang Game 3 sa Huwebes, June 8, na lilipat na sa bahay ng defending champs. GILBERT MENDIOLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments