WARD WAGI NG TKO –

0
78


Napayuko si Sergey Kovalev nang tamaan ng kaliwa ni Andre Ward sa kanilang heavyweight fight sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas ­kahapon (Manila time). Wagi si Ward ng TKO sa 8th round. (AFP)

LAS VEGAS, ­Nevada  (AP) — ­Ti­nupad ni Andre Ward ang pangakong hindi siya pagdududahan sa pagka­kataong ito, ­dinismantel si Sergey ­Kovalev sa eighth round kahapon ­(Manila time) sa Mandalay Bay Hotel & Casino,­ Events Center dito para mapanalunan ang light heavyweight ­title ­rematch.

Tinapos ng unde­feated American ang Russian opponent sa mala-­sipang kabayong kanang upak na nagpaalog kay Kovalev,­ saka kinuyog ito ni Ward. Nasa neutral corner si ­Kovalev nang paulanan pa ni Ward na nagpaguho rito mula sa ring rope kaya sinenyas ni referee Tony Weeks ng Estados Unidos ang katapusan ng umbagan sa loob ng 2:29 sa eighth.

“I knew this time it was going to be different,” giit ni Ward.

Didikan ang labanan hanggang masapol ni Ward (32-0) ng kanan si Kovalev (30-2-1) sa pag­hahabol ng Kano sa maagang pagkuha ng Ruso sa mga naunang rounds bago nag-adjust si Ward at napagod na si Kovalev. Nagreklamo ang dalawang fighters sa kanilang dirty tactics at madalas na pinaghihiwalay ni Weeks mula sa pagkakayapos.

Kipkip pa rin ni ward ang World ­Boxing Asso­ciation, International­ Boxing Federation at World Boxing Organi­zation world light ­heavyweight championship mula sa unang kontrobersyal na bugbugan noong Nobyembre, ­nakahabol pa siya sa ­kabila ng second round knockdown tungo sa ­controversial decision win.

“He’s a great fighter,” bulalas ni Ward. “You’ve got to raise your game to the next level and thankfully that’s what we did tonight.”

Nireklamo ni Kovalev ang umano’y dalawang low blows niyang natanggap kay Ward sa final exchange, dahilan aniya, para mapaupo siya sa lubid.

“Why stop the fight?” aniya. “I could have continued to fight.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments