WALANG CCTV SA SEA RESIDENCES CONDOMINIUM

0
65


NGAYON ay bigyan natin ng espasyo ang reklamo ukol sa magbiyenan na kapwa mga “Balikbayan” na pinasok ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw habang natutulog sa inupahang condominium sa SEA Residences Condominium sa SM MOA Complex, Pasay City.

Sa pahayag ng nabiktimang si Glenn Caratao na isang consultant sa Dubai at permanent resident sa nasabing bansa, pansamantalang nangungupahan siya sa condominium ng kanyang biyenang si Mrs. Cristina Tamayo na isa ring balikbayan at bumisita sa bansa.

Bago raw dumating sa Pilipinas si Caratao at misis nito, nauna na raw dumating ang kanyang biyenan na tumira sa nasabing Condo.
Dumating ang mag-asawang Caratao noong May 31, 2017 pasado alas-9:00 ng gabi.

Sa pagod sa biyahe ng mag-asawa, hindi na nila nagawang gisingin pa si Mrs. Tamayo nang sila’y makarating sa condo. Pagkagising daw nila ay laking gulat nila sa nadiskubreng hindi na naka-lock ang pintuan ng kanilang inupahan ganong ini-lock nila ito bago sila matulog.

Kaya kaagad na ini-report ni Caratao sa security guard na naka-detail ng araw na ‘yun ang nangyaring nakawan. Pero wala man lang aksyon ang management sa pangyayari, ni hindi man lang sila sinabihan na pumunta sa himpilan ng pulisya para maghain reklamo.

Nadiskubre rin ni Caratao na tanging sa main entry at mga elevator lang daw ng condominium ang may mga nakakabit na CCTV pero sa bawat floor ng nasabing condo ay wala ni isang CCTV. Kaya malayang makalalabas-masok ang sinomang mga magtatakang gumawa ng kasamaan sa nasabing condo.

Aba, mga tarantado pala ang management ng condominium na ito. Maibenta lang nila ang mga unit ng kanilang condo ay kesehodang manakawan o kaya’y pasukin at pagpapatayin ang mga tenant habang mahimbing na natutulog ang mga ito.

Biruin ninyo, nakapasok ang magnanakaw at nabuksan ng mga ito ang pintuan ngunit ni wala man lang isang sekyu ang nakakita sa magnanakaw dahil wala itong mga CCTV na nakalagay sa bawat floor.

Anong klaseng condo ito? Son of a bitch. Dapat ang mga ganitong condominium ay hindi pinahihintulutan na maitayo hanggang hindi nakako-comply sa mga requirement ng seguridad ng mga tenant o buyer ng bawat mga unit ng condo.

Ano ang makukuhang kasigurahan sa kaligtasan ng mga tenant o buyer ng mga condominium gaya ng Sea Residences Condominium kung walang inaatupag ang mga tanganang may-ari kundi ang maibenta ang kanilang negosyong condominium? (ITUTULOY)

BOOKIES NG STL NI KAPITAN SI UTO ANG PADRINO

Sa San Jose, Batangas ang may operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) dito ay itong si Kap. Vertucio. Hindi siya hinuhuli ng kahit sinong kapulisan dahil wala siyang ipinangangalandakan kundi ang kapatid nitong pulis na si SPO4 Vertucio.

Ginagamit ni Kap. Vertucio ang kapatid nito bilang front ng kanyang bookies kaya naman patuloy na namamayagpag ito sa nasabing bayan.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa junadesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments