Wala nang panganib –

0
24


Panlima na sa puwesto ngayong taon mula sa fourth place ang Pilipinas sa record ng mga bansang mayroong mataas na record ng napapatay na journalist sa buong mundo sa nakalipas na sampung taon.

Ito ang report ng isang press freedom watchdog o ang Committee to Protect Journalists (CPJ) na nakabase sa New York.

Dahil sa nasabing report ay lumalabas ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bumuti ang kalagayan ng Pilipinas.

Good news ito sa larangan ng pamamahayag kaya dapat ay natutuwa ang sambayanan dahil bumuti ang sitwasyon ng bansa mula sa dating administrasyon.

Ang pagbabagong ito ay maikakawing natin sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Administrative Order #1 kung saan ay binuo ang Presidential Task Force Against Media Killings na tumutok sa seguridad at kaso ng mga napapatay na mamamahayag.

Ibig lamang sabihin ay tumpak ang inilatag na solusyon ng gobyerno sa pangunguna ng PCOO sa problema sa walang puknat na pagpatay sa mga mamamahayag na nangyari sa mga nakalipas na administrasyon.

Kung hindi ako nagkakamali, natukoy ang Pilipinas na isa sa mga bansang peligroso sa mga mamamahayag dahil sa dami ng napapaslang at naha-harass na mediamen sa nakalipas na administrasyon.

Lumatay ang nasabing tatak kaya minsan na ring kinatakutan ang ating bansa ng mga mamumuhunan at mga turista.

Kaya sana ngayong nakabawi tayo ay samantalahin natin ang pagkakataong ito. Maglunsad ng mga programa at proyektong magpapakilala sa Pilipinas sa mga dayuhang bansa.

Higit sa lahat ay huwag tayong maging dahilan ng pagkasira ng bumabangong record ng Pilipinas.

Ang maganda pang balita rito ay hindi humihinto ang Duterte administration sa pagtulong dahil puspusan rin ang pagkilos ng Presidential Task Force on Media Security sa pamumuno ni Undersecretary Joel Egco para proteksyunan ang mga mamamahayag gaya ng kautusan ni Pangulong Duterte.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments