VIP escorts sa NAIA mahigpit na ipinagbabawal ni BI Commissioner Jaime Morente

0
63


MAHIGPIT na pinaalalahanan ni Commissioner Jaime “Bong” Morente ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bawal ang escort at VIP treatment sa Bureau of Immigration (BI).

Inihayag ito ni Commissioner Morente, matapos pumutok sa balita na si gaming operator Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto ay binigyan ng VIP treatment sa NAIA nitong 2 Hulyo 2017.

Dahil sa nasabing insidente, agad pinaimbestigahan ni BI Port Operations Division chief Marc Red Mariñas ang mga naglabasang ulat.

Nabatid na walang sangkot na Immigration Officer kundi isang retiradong pulis na kinilala sa pangalang Ciriaco Peralta.

Nakakuha umano ng pass sa pass control office si Peralta at ginamit niya sa pag-escort kina Ang at Barretto.

Magkasama sina Atong, Gretchen, at ang kanilang grupo na dumating sa NAIA Terminal 1 mula sa flight galing Bangkok, Thailand.

Namataan umano si Peralta nang ipaalam sa isang tauhan ng BI Border Control and Intelligence Unit na siya ang escort na susundo kina Gretchen at Atong.

‘Yan ay kahit mahigpit na ipinagbabawal ng BI ang pagbibigay ng VIP treatment upang mapabilis ang pagdaan sa Immigration ng dumarating o umaalis na airport passengers.

Kilalang malapit na kaibigan ni Gretchen at ng longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco si Atong Ang.

Si Atong ay gaming operator ng online jai alai ng Meridien Vista Gaming Corp, habang si Gretchen ay kilalang masigasig sa pagpo-promote ng Okada Manila.

Business partner ni Tony Boy ang Japanese billionaire na sinabing may-ari ng nabanggit na hotel and casino.

Isa tayo sa matutuwa kung mahigipit na maipapatupad ang memorandum ni Commissioner Morente.

Kasi naman bukod tanging dito lang sa ating bansa mayroong VIP treatment sa NAIA. Sa ibang bansa naman normal lang ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa airport, hindi nila kailangan ng VIP treatment at escort.

Kaya natutuwa tayo kung tuloy-tuloy na maipapatupad ang atas ni Commissioner Morente.

Kudos Commissioner! Go chief Red Mariñas!

BULOK NA LESPU
IPINADALA
SA MINDANAO

070717 mandaluyong police bato marawi

Ipinatapon ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang dalawang pulis–Mandaluyong na sina POs1 Jose Tandog at Chito Enriquez.

‘Yan ‘yung dalawang pulis na nambugbog ng mga kabataang nahuli nilang nag-iinuman sa kalye.

Aba, mantakin ninyong, paghahatawin ng arnis ‘yung dalawang kabataan?!

Mabuti na lang ‘yung isang biktima ay nakalabas at nakatakbo.

Sana lahat ng bulok na pulis ay ipatapon sa Mindanao.

Magrekorida sana sa buong Metro Manila si Gen. Bato lalo sa Maynila para kalawitin ang mga bulok at mga kupitang pulis para ipatapon sa Marawi.

Gen. Bato Sir, panahon na para linisin ang pulisya sa Metro Manila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments