Vindicated si Mayor Lim: TRO sa Torre de Manila binawi ng Korte Suprema

0
54


WALANG batas na nilabag si Mayor Alfredo Lim nang payagan ang konstruksiyon ng Torre de Manila sa kanyang administrasyon.

Kasunod ng pagbasura sa petisyon ng mga kumontra, binawi na rin ng Korte Suprema ang inisyung temporary restraining order (TRO) na ilang taon pumigil na maituloy ang konstruksiyon ng nasabing gusali.

Sabi sa ibinabang desisyon ng Korte Suprema, walang ‘grave abuse of discretion’ o anomang pag-abuso sa batas ang mga dating opisyal ng Manila City Hall sa administrasyon ni Mayor Lim sa noo’y paggagawad ng mga permit at lisensiya sa kompanyang DMCI na nasa likod ng Torre de Manila.

“There is one fact that is crystal clear in this case. There is no law prohibiting the construction of Torre de Manila due to its effect on the background ‘view, vista, sightline or setting’ of the Rizal Monument. Neither was the city government remiss in its duties under Ordinance No. 8119 because the developer applied for permits, approvals and licenses before the construction began,” ayon sa Korte Suprema.

Ang desisyon na akda ni Senior Associate Justice Antonio Carpio at kinatigan nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leonen at Noel Tijam ay malaking sampal sa pagmumukha ng mga gagong mangongotong sa City Hall at Konseho ni Isko.

Minsan pang napatunayan na malinis at walang bahid ng katiwalian ang malinis na pangalan ni Mayor Lim bilang public official na mapagkakatiwalaan.

PUBLIKO, NAITSUBIBO
NI ISKO AND COMPANY

KAWAWA naman ang publiko na naisakay ng dating vice mayor at talunang senatorial candidate na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa malaking tsubibo sa isyu ng Torre de Manila.

Nagamit nina Isko at ng noo’y tinatawag niyang ‘president-mayor-daddy’ ang walang kamalay-malay na publiko para pagkakitaan ang Ordinance No. 8119 laban sa DMCI at malalaking gusali na dati nang nakatayo sa Maynila.

Pero hindi ba’t ilang buwan matapos ipahinto ng Konseho sa pamumuno noon ni Isko ay pinayagan din na maituloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila?

Kasabay nito ang kaduda-duda at biglang pananahimik sa isyu ng nagpapakilalang “cultural activist” at convicted heckler na si Carlos Celdran matapos mabigyan ng puwesto sa City Hall ang damuho.

Maraming negosyante at nagmamay-ari ng matataaas na gusali na dati nang nakatayo sa Maynila ang nagreklamong sila man ay ipinatawag sa Konseho ni Isko, gamit na panakot ang nabanggit na ordinansa para sumuka.

Marahil ay mayroong naamoy na “transfer of currency” sa pagbaligtad ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada at ng Konseho ni Isko kaya’t naghain ng petisyon ang Knights of Rizal sa Korte Suprema laban sa Torre de Manila.

Ang masaklap lang, marami munang naprehuwisyo, kabilang ang construction workers, bago napatunayan na wala palang basehan sa batas ang reklamo laban sa Torre de Manila.

Kaya naman dapat maging leksiyon ang pagkakabasura ng kaso para ang Korte Suprema at ang judiciary ay hindi nagagamit sa kawalanghiyaan ng mga sira-ulong politiko na baliw sa pera.

ILLEGAL TERMINAL
SA LAWTON, HAMON
KAY GEN. DANNY LIM

KUNG nabubuhay lang ngayon sina Dr. Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio ay hindi nila hahangarin pa na maging mga bayani.

Sa kabila na ibinuwis ang buhay alang-alang sa bayan ay nagagawa pa silang kalakalin ng mga nagpapanggap na may pagpapahalaga kunwari sa mga pamana ng kasaysayan.

Ang monumento ni Rizal sa Luneta ay nagamit na pagkaperahan sa pangongotong sa Torre de Manila, habang ang monumento naman ni Bonifacio ay patuloy na binababoy sa Plaza Lawton.

Kahit ipinagbabawal sa batas ang pambabastos at pagkakitaan ang mga plaza ay hindi nasasawata ang sindikato na matagal nang nagpapatakbo ng illegal terminal sa mismong paligid ng monumento ni Bonifacio.

At kung makakikilos lang si Bonifacio ay tiyak na matagal na siyang sumugod sa Manila City Hall at sa barangay Ligaya para hanapain at pagtatagain ang mga utak na nasa likod ng nasabing illegal terminal sa Lawton.

Ngayon natin masusubok ang galing ni bagong Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Gen. Danilo Lim na ipinangako pero nabigong patunayan ni Gen. Manager Thomas Orbos laban sa mga illegal terminal.

Aber, tingnan nga natin kung maipatutupad ni Gen. Lim ang sinabi niyang marching order sa kanya ni Pang. Rodrigo R. Duterte na sugpuin ang corruption sa MMDA na pumapayola sa illegal vendors at illegal terminal.

Abangan!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG – Percy Lapid



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments