Vice Ganda, walang balak magkaanak

0
73


Si Vice Ganda at ang kanyang “anak-anakan” na si Awra. Galing sa Instagram account ni Vice Ganda

MANILA — Kahit malapit siya sa mga bata, inamin ng host at komedyanteng si Vice Ganda na hindi niya kaya ang maging ama.

Sa ulat na inilabas ng Push nitong Huwebes, sinabi ni Vice Ganda na hindi niya kayang maging magulang tulad ng dati niyang talent manager na si Ogie Diaz. 

“’Yung ginagawa ni Ogie, siya lang ang nakakagawa non. Kasi may kakayahan siya don. Ako hindi ko kaya ‘yon. Hindi ko kayang maging ama kasi hindi ako responsable, eh,” ani Vice.

“Makalat ako… basta. Taranta ako, eh. ‘Pag parent ka hindi puwedeng ganun. Kaya I do not see myself parenting; si Ogie kaya yon,” dagdag niya.

Kung ayaw niya maging isang magulang, ibinahagi naman ni Vice ang pagnanais niya na bumida sa isang indie movie. 

“Gusto ko nga ring gumawa ng mga indie-indie, eh. ‘Yung talagang seryosohan, gagawa din naman ako pero not anytime soon. Hindi ko priority pero I would love to do indie,” aniya.

“Siyempre, ‘di ba minsan gusto mo rin naman na may magawang kakaiba, ‘yung fulfilling din. Siguro gagawin ko ‘yon ‘pag nabagot na ako,” dagdag ni Vice.
 
Samantala, bilang isa sa mga artistang kilala sa pagpapahayag ng kanyang opinyon pagdating sa usapin ng politika, inamin ni Vice na hindi niya sinasarado ang kanyang pintuan sa mundo ng politika.

Pero paglilinaw ng “It’s Showtime” host, hindi ito agad mangyayari dahil sa wala siyang interest dito sa ngayon.

“I haven’t thought of that. I don’t see myself running for a (government) position anytime soon. Kasi, unang-una, ini-enjoy ko ‘yung pagiging komedyante ko at feeling ko mas appropriate siguro kung magpapatawa ako sa isang comedy show kesa magpatawa ako sa Senado,” aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments