Venus bawal nang maglantad ng alindog

0
32


Ngayon ang umpisa­ ng third season ng Business Flight with Venus Raj and Cristina Decena, ang travel-inspirational show na napapanood tuwing Sabado, 11:30 am, sa GMA News TV.

Malaki ang pasasalamat ni Venus kay Cristina dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya bilang co-host ng programa.

“Nakakatuwa na from the start, kinuha ako ni Madam to be part of this and until now, we’re still here together.

“Parang hindi ito trabaho. If what you’re doing is really your passion, you don’t look at it as work or as a job but you just enjoy it. Parang nanay ko na si Madam. She’s like a mom to me. Sobrang caring. She’s motherly and that’s what I really like about her.”

Mula nang matagpuan niya ang Panginoon, may mga limitasyon na si Venus tulad ng kanyang desisyon na huwag nang magsuot ng swimsuit at lalong naging mapagkumbaba ang 4th runner up sa Miss Universe noong 2010.

Si Venus ang sinasabi na ins­trumento kaya nagkaroon ng winning streak sa Miss Universe ang mga kandidata ng Pilipinas mula nang sumali siya, isang paniniwala na itinanggi niya.

“Una, hindi ako ang nagsimula niyan kasi marami na tayong­ beauty queens na nanalo before me. We had Miriam Quiambao (1999 Miss Universe first runner up), we had Gloria Diaz (1969 Miss Universe).

“Siguro there was a time na ma­tutuwa ka na okey, somehow, nakilala uli ang Pilipinas in the pageant world because of what happened in 2010 pero I cannot take credit on that because hindi ako ang dahilan ng pagkapanalo nila ng sunod-sunod.

“Again, I’m gonna repeat it, they’re beautiful. They’re capable of winning. They’re intelligent. Ngayon,­ sunod-sunod ang panalo ng Pilipinas. Nakakatuwang tingnan, amazing na these ladies, sila ‘yung nagdadala ng korona sa Pilipinas. Nakakatuwang makita na tuloy-tuloy­ ang pagkapanalo ng Pilipinas and again, that’s because they’re capable of winning,” ang down-to-earth na paliwanag ni Venus.

Pia red carpet host  sa Miss Universe

May lumabas na balita na kasama si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga hurado ng 66th Miss Universe na magaganap sa November 26 (November 27, Monday morning, Manila time) sa AXIS Planet Hollywood, Las Vegas, USA.

Kumpirmado na may participation si Pia sa Miss Universe 2017 pero bilang red carpet host.

Narinig­ din ng kampo ni Pia ang balita na judge sa Miss Universe ang dalaga pero hindi pa ito sigurado. Malalaman lang ni Pia ang final decision ng Miss Universe Organization sa pagdating niya sa Las Vegas sa third week ng November.

Hindi magtatagal sa Amerika si Pia dahil sa kanyang mga commitment sa Pili­pinas, ang shooting ng pelikula nila nina Vice Ganda­ at Daniel Padilla na official entry sa Metro­ Manila Film Festival at ang taping niya para sa The Beautiful Kitchen with Miss Universe Pia Wurtzbach, ang cooking show na mapapanood sa My HotSpot TV, ang online channel ng Empire Group of Companies.

May karapatan si Pia na magkaroon ng cooking­ show dahil Culinary Arts graduate siya­ kaya may malawak na kaalaman tungkol sa pag­luluto ng mga pagkain.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments