@Ur Service!: Version 2.0 ng Martial Law; cool, pero harsh!

0
59


Ang sabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “cool” lang daw tayo sa version ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kalmado lang daw dapat dahil wala namang mababanaag na galit kay Pangulong Rodrigo Duterte nang magdeklara ito ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Sal Panelo — “Hindi naman (galit si PDu30). You know, si President naman ay ano iyan eh, he’s a cool as a cucumber kapag nagdedesisyon eh. Hindi siya galit.”

Umpisa pa lang, tila nagsisipaan na ng pahayag ang mga nasa Malacañang. Kanya-kanyang interpretasyon at kanya-kanyang palusot.

Mga ka-netizen, ang sabi ni PDigong sa kanyang deklaras­yon ng batas militar — “I would be harsh” — malayo sa “cool” na sinasabi ni Sal Panelo.

Nagbitaw ng babala si PDigong sa mga nakaranas ng Martial Law noong panahon ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Ang Martial Law is Martial Law. So, kaya kayong mga kababayan ko you have experienced Martial Law it would not be any different from what the President (Ferdinand) Marcos did. I’d be harsh.”

Ito ang pahayag ni PDigong sa panayam ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson na ipinaskil nito sa kanyang Facebook na Mocha Uson Blog.

Kung susumahin, kanya-kanya ang pananaw ng mga opisyal ng Palasyo sa naging deklarasyon ng Martial Law.

Bago lumipad pabalik ng Pilipinas mula sa Moscow, pinulong ni PDigong ang ilang opisyales ng Pilipinas na maiiwan sa Russia.

Dahil sa Marawi siege nitong Martes, idineklara ni ­PDigong ang Martial Law para pulbusin ang Maute Group at mga kaalyadong terorista sa ka-Mindanaoan na kumubkob sa ilang pasilidad at komunidad sa Marawi City.

Ang punto ng netizens, isang seryosong usapin at isang sensitibong desisyon ang ginawa ni PDigong, lalo’t may pagbabanta ito ng ‘repeat’ o kahalintulad ng Martial Law ng Macos regime.

Napansin din natin mga ka-netizen na walang konsultasyon sa mga opisyal ng pamahalaan ang deklarasyon ng Martial Law.

Katunayan, nakakatakot ang pahayag ng Pangulo na ‘unli’ ang Martial Law dahil wala itong ibinigay na taning o pagtatapos ng batas militar. Maaari itong abutin ng buwan o taon.

“How long? Well… how? It will take a year to do it…then will do it… and if it’s over within the month, I’d be happy,” ayon kay PDigong.

Ang kahahantungan ng martial law ni PDigong ay nakadepende sa mulat na pananaw at disposisyon ng malayang Filipino.

Dahil sa banta ng Pangulo na ‘repeat’ ng Martial Law ni Makoy — lalong kailangan ng mas mapagmatyag na netizens.

Kung saan hahantong ang mala-Makoy na martial law ni PDigong? Abangan at maging mapagmatyag!

Galing na mismo sa bibig ng pangulo — Ang Version 2.0 na Martial Law ay ‘repeat’ ng Martial Law ni Makoy!

Kaisa tayo sa hangaring pulbusin ang mga terorista, subalit sukdulan ang pagtutol natin sa marahas na batas militar. Palagan ang diktadurya at palagan ang karahasan. Adios!!!

***

Layon ng @Ur Service! na kayo’y bigyan ng alternatibong sumbungan, tulay at sandigan ng mga hinaing mula sa social media patungong pahayagan.
Email: jmt_ur.service@yahoo.com // Facebook: JunMarcosTadios // Twitter: @jmt_twit // 09186617601



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments