@Ur Service!: Palpak ang LTFRB

0
29


Kasama na sa araw-araw na routine ng mga Pinoy ang traffic. Mapa-estudyante, kawani, obrero, guro, abogado o anumang antas ng pamumuhay  araw-araw tayong nakikipagbuno sa nakaka-stress na traffic.

Sa aming mga Ilocano  ‘bumperrr to bumperrr’ ‘ika nga.

Hindi lang tambutso ng mga sasakyan ang nag-aalboroto, nasasaid din ang pasensya ng mga mananakay.

Pagpasok ng admi­nistrasyon ni Pangulong Digong, pumalakpak ang 16 milyong Pinoy na bumoto sa kanya.

Sa wakas, malulutas na raw ang traffic! Ayos!

Pero sa huli mga ka-netizen, tila propaganda lang ng gobyerno… Walang pagbabago! Lumalala pa tila ang trapiko…

Ang bumperrr to bumperrr na traffic, isinisi ng gobyerno sa GRAB at UBER! Nyehh!!

***

Mga ka-netizen, may mga ‘bright idea’ at mo­dernong pamamaraan naman daw ang Land Transportation, Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB), para maibsan ang traffic partikukar sa Metro Manila.

Una, gawing dalawang araw ang coding.
– (Sa mga vehicle owners, dalawang araw ma-tetengga ang sasak­yan. Ang ending: Dagdag gastos at dagdag abala).

Pangalawa, i-phaseout ang mga jeep.
– (Uubligahing bumili ng electronic jeep ang libu-libong PUJ operators. Ang ending: Dagdag gastos at pahirap sa mga jeepney driver/operators).

Pangatlo, anti-distracted driving.
– (Pati rosaryo at iba pang religious replica, bawal na sa dashboard ng sasakyan. Bawal gumamit ng cellphone habang umaandar ang sasakyan. Ang ending: Labu-labo at windang kung papaano ito ipatutupad ng MMDA at LTFRB).

Pang-apat, tanggalin ang UBER at GRAB.
– (Tatanggalin ang convenient na transport service at ipaubaya na lang daw sa mga jeep at isnaberong taxi (hindi naman lahat) ang commu­ting service. Ang ending: Lalong mayayamot ang mga commuters/commu­ting public sa pila-baldeng pag-aabang ng taxi at jeep).

***

Dahil sa bara-barang solusyon ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) sa lintik na traffic, nagmumukhang katawa-tawa ang mga transport managers ng Duterte administration.

May bansag din ang ilang netizens kina LTFRB Chairman Martin Delgra at Board Member/spokesperson Aileen Lizada.

Sila raw ang ‘The Best & the Brightess’ ng LTFRB dahil sa mala-henyong solusyon sa trapiko.

Henyo as in ‘henyo’ sa out-of-line na solusyon sa problema. Henyo raw sa kapalpakan!

***

Malinaw ang marc­hing order ni PDigong. Linisin ang trapiko at ibalik ang convenient sa mga mananakay at motorista.

Ayaw ni PDigong ang puro gimik!

Sa halip na gumawa ng pangmatagalang solusyon sa traffic – nag-e-ekspe­rimento ang mga traffic at transport managers ng LTFRB ng mala-CIRCUS na gimik.

Tulad ng isang opisyal ng LTFRB na mahilig raw sa iba’t ibang gimik.
Gimik sa labas at gimik sa loob. Basta’t malamig gumigimik si sir.

Dala-dalawa ang bitbit na bebot sa tuwing gumigimik!? Hanep! Takehome ang hilig daw ni sir…

Susmaryosep… Hinay-hinay sir, boss chief, namamayat ka na sa kaka-gimik! Baka mahuli ka ULIT ni misis!!

Adios!

***

Email: jmt_ur.service@yahoo.com
// Facebook: JunMarcosTadios
// Twitter: @jmt_twit
// 09186617601 // 09152217601



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments