@Ur Service!: Makabayan bloc vs “leftist defender” ni PDigong

0
76


Mga ka-netizen, masusubok ngayon ang integ­ridad at paninindigan ng mga militanteng nakadikit kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa Martial Law sa Mindanao.

Magkakahubaran ng totoong kulay kung sino ang tunay na makabayan, sino ang repormista, sino ang oportunista at kung sino ang totoong nagmamahal sa Inang Bayan.

Martes nu’ng ideklara ni PDigong ang batas militar sa Mindanao.

Sinadya o hindi, ang palpak na intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang nagsindi ng martial law.

Nagbantang kakalas kay Duterte ang pitong miyembro ng Makabayan bloc na sina ACT Tea­chers party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro; Gabriela party-list Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus, Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, Kabataan party-list Rep. Sarah Elago at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Delicadeza-wise, bilang mga militanteng mambabatas at frontline ng marginalized sector sa Kamara de Representante — obligadong sumunod sa linya ng pakikibaka at people’s objective ang Makabayan bloc.

Mga ka-netizen, malinaw sa sikat ng araw — “moro-moro” ang gagawing hakbang ng Makabayan bloc — ibig sabihin, unstoppable ang Martial Law ni PDigong dahil solid ang kanyang kontrol sa Kamara at Senado. Check!

Kung susumahin, walang malinaw na pahayag ang Makabayan bloc — kung kakalas sila sa administrasyon o ipagpapatuloy ang pakikipag-mabutihan kay Duterte??

Nasa sitwasyon sila ng “wait and see”. Pautakan ang laban. Parang galawan ng mga “trapo”, panalo ang tuso!!!

Habang pumuputak ng “suntok na buwan” ang pitong Makabayan solons — siya namang kinatahimik ng apat na militanteng nasa gabinete ni PDigong.

Tila naghihintay pa na may magbuwis ng buhay, desaparecidos, human rights violations, torture, summary killings at iba pang karahasan bago maglatag ng totoong kartada laban sa martial law.

Ang Makabayan bloc ay mayroong mga mi­yembro sa Gabinete ni Duterte tulad nina DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Maria­no, NAPC chairperson Liza Maza at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson Terry Ridon.

Nasa balag pa ng ala­nganin ang posisyon ng mga leftist appointees lalo’t dadaan sila sa pagbusisi ng Commission on Appointment (CA) na kontrolado ng administrasyon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit tameme ang mga Makabayan appointees sa martial law ni PDigong.

Ang ending… Tayong mamamayan ang napaglalalangan.

Sino ang totoong ma­kabayan, sino ang totoong para sa bayan at kung sino ang totoong nagmamalasakit sa bayan???

Play safe ang laban.

Makabayan bloc vs. Malabayan appointees. Hanggang saan hahantong ang laban ng tuso sa tuso???

Let’s wait and see. Adios!

****

Layon ng @Ur Service! na kayo’y bigyan ng alternatibong sumbungan, tulay at sandigan ng mga hinanaing mula sa social media patungong pahayagan.

Email: jmt_ur.service@yahoo.com // Facebook: JunMarcosTadios // Twitter: @jmt_twit // 09186617601



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments