UNDAS – Remate

0
45


DAPAT itigil ng mga Filipino ang kultura ng katatakutan tuwing sumasapit ang “All Saints’ Day at All Souls’ Day.” Alam ng lahat na ipinagdiriwang sa mga araw na ito sa pamamaigitan ng pagsusuot ng nakatatakot mga costume sa halip na manalangin at magpasalamat sa “Diyos”.

Bakit nga ba sa tuwing ipinagdiriwang ang araw na ito ay katatakutan ang nasa isip ng publiko?

Ano nga ba ang All Saints’ Day at All Souls’ Day? Ang kahulugan nito ay pagdiriwang ng araw ng mga Santo o banal at pag-alaala sa ating mga namayapa na at tinatawag itong Undas.

Dati-rati, pagsapit ng araw na ito, dumadalaw ang mga Filipino sa puntod ng kani-kani-lang mga yumaong mahal sa buhay at nag-aalay ng mga dasal, bulaklak at kandila.Pero tila unti-unting nawawala na ang kaugaliang ito ng Pinoy dahil sa halip na ipagdiwang ang araw ng kabanalan at pag-alaala sa ating mga yumanong mahal sa buhay, ipina-prayoridad nila ang pagsusuot ng iba’t ibang nakatatakot na costumes.

Kaya nga inalmahan ito ni Father Daniel Estabio, exorcist ng Diocese ng Pasig.

Ani Fr. Estabio, dapat na tayo’y manalangin at magpasalamat sa “Diyos na may Likha” sa atin sa halip na haluan ng katatakutan ang Holloween Day. Hindi sumasang-ayon si Father Estabio sa katatakutan dahil hindi ito makatutulong at sa halip ay makaeengganyo at makakaakit pa ng mga gumagalang masasamang espiritu o impakto sa ating mundo.

Bukod pa sa makakagisnan ito ng ating mga salin-lahi na hindi naman dapat na mangyari dahil wala itong maibibigay na tulong sa pangkalahatang kaisipan ng bawat tao.

Sa halip na magsuot ng nakatatakot na costumes, iminumungkahi ng exorcist na pari magsuot ang tao ng mga damit kagaya ng mga suot ng mga Santo o anghel sa ating kalangitan.

Ewan ko ba kung bakit ginagawang katatakutan ang Undas na kung tutuusin ay dapat ikatuwa dahil, at least, ay makakapiling na ng mga nangamatay ang “Diyos na makapangyarihan sa langit.”

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments