ULAN NG PAGPAPALA: Ang Smartphone Addiction at ang Mababang Tingin sa Diyos

0
65


“When the Son of Man comes, will He find faith on earth?” — Luke 18:8

Nitong mga nakaraang isyu ng Ulan ng Pagpapala ay puro tungkol sa ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa lupa ang pinag-uusapan natin.

Nararapat lamang; ito ang aking paniniwala. Sa patuloy kong pananatili dito sa mundo natin ay talagang nararamdaman kong papalayo nang papalayo ang kalooban ng karamihan ng mga tao sa kanilang tunay na Manlilikha.

Ipabasa mo ang talatang iyan sa itaas sa isang kabataang “digital” o “techie” at malamang ay hindi ka pansinin. Istorbo ka sa maghapo’t magdamag na pagkalulong niya sa kanyang computer.

Maglakad ka sa kalsada. Tumingin ka sa mga tambayan sa mga malls. Karamihan ng mga naroroon, nakayuko at binubutingting ang kanilang mga smartphone. Lahat ng bagay, maaari mong nang gawin gamit ang gadget na iyan.

Noong 1970’s, kapag sinabi mong telepono, ang gamit lamang niyon ay ang makatawag ka at matawagan ka. “Telebabad” ang tawag sa mga mahihilig makipagligawan sa telepono o makipagtsismisan.

Ngayon, hindi na lang komunikasyon ang nagagawa sa phone. Pati research sa Internet, online shopping ng bagong damit, transfer ng pera mula sa isang bangko patungo sa kabila, at siyempre, gaming.

May batang paslit na nagkaroon ng stroke dahil sa maghapong paggamit ng tablet. At ilan na bang mga kabataan ang nabalitaan nating namatay dahil 24-oras buma­bad sa computer shop nang walang kain at walang tulog?

Isinasakripisyo ang oras at sarili para sa kasiyahang dulot ng isang gadget na gawa rin ng tao; iyan po ang sakit ng marami sa atin ngayon. At kung babalikan mo ang Bibliya ay iisa lang ang tawag sa gayong kalagayan: idolatry po.

Modern technology has become a god of modern civilization, the chief god being man himself and not the Lord Jesus Christ.

Wala nang gustong makipag-usap tungkol sa paglalim sa pananalangin at pananampalataya. Kung mayroon man, kakaunting mga grupo na lamang iyan na magkakahiwa-hiwalay.

At kung nasa loob ka na ng simbahan, masasabi mo bang safe ka na? Doon ba’y matutulungan ka na sa hangad mong pamamalagi sa hardin ng Panginoong Jesus upang talagang makaniig Siya at makilala Siya nang malapitan? Iyon ang dapat na mangyari.

Ang mga churches na nananatiling nakasentro ang atensiyon sa pagsamba sa Panginoong Diyos ay mga safe havens of spiritual rest.

Kaya’t nakalulungkot ang kasalukuyang trend sa mga modernong simbahan na sumunod sa agos ng mu kung ano ang uso.

Kapag ganyan ang ginawa natin ay ibinababa natin ang level ng makapangyarihang Diyos sa level ng makasalanang tao.

Parang sinasabi natin na kailangang ang tao ang bigyang-kasiyahan ng Diyos bago Niya makumbinsi ito na magsisi sa kasalanan at manumbalik sa Kanya. 

Nauunawaan ko ang intensyon ng iba na friendship evangelism ang tawag sa kanilang ginagawang pangangaral ng Salita ng Diyos. Ang resulta niyon ay ang kaligtasan ng marami.

Pero may ibang istratehiya ng ‘pag-attract’ sa mga tao na hindi rin maganda sa bandang huli. Dahil, ang ‘diyos’ na kanilang tatanggapin sa kanilang puso ay isang ‘brand’ ng ‘diyos’ na matatanggap ang kahit na anong klaseng pamumuhay basta’t uma-attend ka sa Christian fellowship.

There is something wrong. Ang Diyos ng Bibliya ay hindi tatanggap sa anumang imoral na estilo ng pamumuhay sa Kanyang mga anak.

Kapag nakumbinsi natin ang ating sarili na ganito ang Diyos natin, may maling mensahe tayong nasagap along the way.

So kung talagang pinananabikan natin ang pagbabalik ng Panginoon, ang unang-una nating kailangang eksaminin ay ang ating mga isip: Ano ba ang natutunan natin tungkol sa kalikasan ng Diyos? Anong klaseng Diyos Siya? Anong pananampalataya ang hinahanap Niya sa tao?

Mahaba pa ang dapat nating pag-usapan. Nawa’y maihanda tayo ng Banal na Espiritu para sa pagbabalik ng Anak ng Diyos.

Shalom and God bless!

(zayithhebron.wordpress.com)



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments