Uber, nagbayad na ng P190-M na multa sa LTFRB

133



Nagbayad na ng P190 milyon ang transport network company na Uber nitong Martes upang matanggal ang isang buwang suspensiyon na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay matapos suspendihin ng LTFRB noong Agosto 14 ang Uber dahil sa diumano’y paglabag nito sa moratorium sa muling pagrerehistro ng mga panibagong driver.

Una nang ipinaliwanag ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada na ang basehan ng kanilang multa ay ang natitirang 19 na araw ng suspensiyon na aabot sa P10 milyon kada araw.

Nilinaw naman ni Lizada na ang kanilang computation ay base sa isinumiteng data mula sa Uber na kumikita ang naturang kompanya ng P10 milyon kada araw. Ito rin aniya ang kauna-unahang pagkakataon na ang suspensiyon ay ginawang multa. 

Matapos makapagbayad ng multa, maaari nang makabalik sa operasyon ang Uber, ayon sa LTFRB.

Noong nakaraang Biyernes, Agosto 25, ipinag-utos din ng LTFRB na bayaran ng mahigit P19.9 milyon kada araw ang drivers nito hanggang sa maibalik ang regular nitong operasyon.

“[T]he Board affirms the commitment of the Respondent USI (Uber Systems Inc.) to remit the financial assistance and hereby directs to pay its TNVS peer-operators the amount of P19,949,600 per day until the day when the services of Respondent USI will be restored,” ayon sa desisyon na inilabas ng LTFRB.

Pangamba naman ni Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer Inc., maaari aniyang maipasa ang naging gastos ng Uber sa mga pasahero nito.

“Dapat may maliwanag na pahayag ang Uber na iyang multang P190 million na ipinataw ng LTFRB ay hindi babawiin sa mga Uber riders… ‘Yon lamang ang naisip naming paraan upang mabawi nila ang P190 million so the consumer ang tatamaan [at] the end of the fine,” dagdag niya.

Sa ngayon ay pinag-uusapan na ng mga abogado ng Uber at ng LTFRB kung maaari na itong magbalik-operasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments