UBER AT GRAB TULOY ANG BIYAHE

0
43


ISA pang komentaryo ang bibigyan natin ng daan para maiparating natin sa mga kinauukulan ang samu’t-saring komento na ibinabato sa kanila ng publiko kaugnay sa mga kaganapan sa kapaligiran.

Isa rito ang isyu na may kinalaman sa mga kolorum na vehicle na nasa ilalim ng Grab at Uber na tila may taning pero naudlot dahil binigyan pa ng pagkakataon na makapagbiyahe matapos na maglagak ng multang P5 million sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Basahin natin ang nilalaman ng mga komento.

Nailathala sa iba’t ibang radyo, telebisyon at dyaryo na 50,000 na pala ang mga colorum vehicle under sa GRAB at UBER!

Naku, ah, kaya pala congested o sobrang sikip ang streets ng Metro Manila dahil halos lahat ng mga ito ay umiikot na sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila para mamasada.

Nagkakandatrapik-trapik na ang halos lahat ng kalsada.

Ang hindi maganda rito, ang multa ay sobrang napakaliit na P5M kumpara sa milyong-milyong tax na kanilang iniiwasan mula pa noong panahon ni dating Pangulong Noynoy kung kailan ang mga ito ay iligal na nag-usbungan.

Bakit napakaliit samantalang ‘yung mga AUV van ay P200,000 ang multa bawat isa na tutubusin pa sa Pampanga.

Siguro ay may naunang multi-million na palihim na nagbigay. Tama lang na Grab ang pangalan at Over ang (Uber) naman.

Tungkol pa rin sa usaping 50,000 na kolorum unit ng GRAB at Uber
Taxi, nakakwentuhan ng anak ko ang isang driver na nasakyan sa napabalitang hanggang ngayong buwan na lang sila at huhulihin na.

Kumpiyansa naman daw sila dahil renewal lang daw ang katapat nito at magiging ligal na ulit sila at wala raw silang ikinakatakot.

Isang taon sila nandaya at ganun lang, parang magic?

Pera-pera lang ang iiral. Nasabihan ko tuloy ang anak ko na TAMAD at mayabang kasi siya, mag-jeep na lang at nasa linya naman ang pinupuntahan niya. Gusto lang niyang maging sosyal, e, sobra pa sa kalahati ng suweldo niya ang ibinabayad dito!

TIMBRE PARA SA PROTEKSYON

Grabe ang sandamukal na makina ng video-karera at fruit game na inilatag nitong si Umbay sa Sta. Cruz, Laguna dahil halos bawat sitio at baranggay ay mabubungaran ang mga video machine nito.

Tila walang ginagawa si Sta. Cruz COP Supt. Eliseo Bernales kundi ang timbre na ibinibigay ni Umbay sa kanya bilang payola sa mga makina na inilatag sa nasasakupan ni hepe.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments