Turistang Hapon, ninakawan ng sinakyang tricycle sa Iloilo

20



Isang Japanese national ang ninakawan umano ng kanyang sinakyang tricycle sa Iloilo City Huwebes ng gabi.

Dumulog sa pulisya si Yuryko Sugaki, 34 anyos, para humingi ng tulong matapos umanong tangayin ang kanyang bag ng hindi pa kilalang drayber.

Ang bag ay may lamang 2 laptop, camera, apat na cellphone, mga damit, at $200. Nagkakahalaga umano ito lahat ng P200,000.

Kwento ni Sugaki, galing siya sa Siquijor Island at kakarating lang sa Iloilo City Huwebes ng gabi.

Habang naglalakad siya sa Jalandoni Estate Lapuz, ilang metro mula sa port, biglang nilapitan siya ng drayber.

Sumakay naman si Sugaki para bumili ng tubig sa isang tindahan.

Ngunit pagbalik niya sa tricycle ay wala na ang drayber pati na rin ang kanyang bag.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments