Tuloy pa rin

23


Hirit Na! by Arnold Clavio

May mga balita ngayong taong 2017 ang patuloy na makakalakad hanggang sa taong 2018.

Ito ay dahil sa walang closure o patu­loy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Kabilang na rito ang:

– Ang P3.5 bilyong pondo para sa pagbabakuna ng Dengvaxia sa humigit-kumulang 830,000 Filipino, bata at matanda.

Aabangan pa rin ang resulta ng independent body na nagsagawa ng pag-aaral kung may panganib nga bang nakaamba sa mga naturukan na. Pati na rin ang mga personalidad na posibleng papanagutin sa programang ito, kabilang na si dating Pa­ngulong Noynoy Aquino at dating DOH Sec. Janette Garin.

– Ang may P6.4 bil­yong shabu smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Ilan sa panguna­hing personalidad na nadawit ay hindi pa rin nakakasuhan. Si Davao City Vice Mayor Paulo Duterte ay nagbitiw na sa tungkulin. Samantalang si dating BOC Sec. Nicanor Faeldon ay muling naitalaga sa gobyerno.

– Impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Maraming isyu ang hindi pa ganap na nasasagot at inaasahang tatalakayin sa pagbubukas ng pagdinig ng House Committee on Justice.

– Ang kampanya kontra droga.

– Ang kampanya kontra korapsyon.

– Ang pagkilos ­tungo sa ‘pederalismo’. Kasama na ang isinusulong na revolutionary government.

– Ang ganap na pagpapatupad ng reporma sa pagbubuwis.

Isang mapagpala at masaganang Bagong Taon sa lahat.

 Lord, Kayo na po ang bahala.

The post Tuloy pa rin appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments