TRILLANES PINABABAGSAK ANG IMAHE NG PILIPINAS?

0
36


KAMKAILAN ay nakipagpulong si Senator Antonio Trillanes, IV kay United States Republican Senator Marco Rubio ngunit hindi sinasabi ng una kung ano ang kanilang napag-usapan sa kanilang pagkikita.

May mga nagsasabi na nanghihingi raw ng tulong si Trillanes kay Rubio kung ano ang dapat gawin para mawala ang tiwala ng mga Filipino kay Pangulong Rodrigo Duterte?

Sinasabi naman ng ilan na sinisiraan ni Trillanes ang bansang Pilipinas para paboran ni Rubio ang kanyang ginagawang panggigiba kay Duterte lalong-lalo na ang tungkol sa laban ng administrasyon konta iligal na droga?

Hinala pa nga ng ilan na posibleng nais tutulan ni Trillanes ang paghaharap at pag-uusap ni US President Donald Trump at Pangulong Duterte sa gaganaping ASEAN meeting na idadaos dito sa ating bansa.

Marami pang haka-haka ang naglalabasan tungkol sa pinag-usapan ni Trillanes at Rubio ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ng senador na dating sundalo ang katotohanan ng kanyang pakikipagpulong sa US senator.

Kung anuman ang napag-usapan ni Trillanes at ni Rubio, sana lang ay hindi sinisira ng magaling na senador ang bansang Pilipinas para lang sa kanyang pansariling interes dahil tiyak na buong bansa ang maaapektuhan nito?

Kung inyong matatandaan, noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino ay nagtungo naman sa China itong si Trillanes at pagbalik nito sa bansa ay hindi nito masabi sa senado kung ano ang kanyang naging “business” sa pagpunta sa naturang lugar.

Kahit na anong pilit ang gawin ni dating senador Juan Ponce Enrile ay hindi ipinagtapat ni Trillanes ang dahilan kung bakit siya pumunta ng China ngunit matapos ang pagtungo nito sa nasabing bansa ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang mga Intsik na magtayo ng kung anu-ano sa mga pinag-aagawang isla.

Anuman ang mga pinagsasabi ni Trillanes kay Rubio, hiling ng lahat ng Pilipino na wala sanang maging masamang epekto ang mga pinagdadadakdak nito sa kaayusan at kaunlaran ng ating bansa? ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments