TRAYDOR ANG KALABAN – Remate

0
74


KAMPANTE ang Philippine National Police (PNP) na “walang terror threat” sa Metro Manila taliwas sa usap-usapan kamakailan na bunsod diumano ng intelligence “info leak” sa Northern Police District.

‘Di malayo na iyang mga dilawan ang siya ring nagtatanim ng mga fake info o “kuryente” para isisi na naman sa administrasyong Duterte o sa mga supporters nito.

Bagaman, mabuting huwag muling madatnang “tulog sa pansitan” ang PNP sa anumang posibleng kaguluhan.

Hindi pa nga ganap na nasasawata ang terorismo ng Maute rebels sa Marawi City na aabot na sa isang buwan kaya huwag nating sabihing imposible ang ganyang pangyayari sa Kamaynilaan.

Hindi ko sinasabing mangyayari ngunit dapat lang maging mapagbantay tayong lagi.

Traydor ang mga kalaban na minsa’y akala mo mga maamong tupa!

Demonyo pala ang anak ng tupa!!!

***

MALAGIM ang kahihinatnan ng bansa kapag nagtagumpay ang Maute group at Abu Sayyaf kahit saan mang lugar sa Pilipinas.

Bukod sa panliligalig at karahasan ay iligal na droga pa ang ipalalaganap ng mga demonyong iyan. Tama si Pangulong Duterte.

Nabulgar ‘yan nang makubkob ng Armed Forces of the Philippines ang mga ilang pinagkutahan ng Maute sa Marawi City at natagpuan ang sandamukal na shabu sa halagang P200-milyon.

Pawang mga adik pala bukod sa drug trafficker ang mga teroristang iyan na gustong mamayani sa buong Mindanao.

Kapag nagkataon, itong mga Maute ang magsisilbing lokal na bersiyon ng Islamic State (ISIS).

Ngunit nagtitiwala naman akong hindi iyan papayagan ni Manong Digong na mangyari. DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments