Traslacion organisado, kakaiba –

26


Itinuturing ng isang opisyal ng Quiapo Church na mapayapa, pinakaorganisado at kakaiba ang Traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong taon.

Sinabi ni Father Dougles Badong, ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, matapos ang pag-aalay ng panalangin dakong alas-4:45 ng madaling-araw ay isinakay na ang imahe ng Poong Nazareno sa andas.

Alas-singko ng madaling-araw nang magsimulang umusad ang prusisyon.

Taliwas noong mga nakaraang Traslacion, kakaiba umano ang naganap ngayong taon dahil sa tulong ng mga servicemen.

Muling nasaksihan kahapon ang taimtim na pamamanata ng mga debotong Katoliko sa Traslacion ng Itim na Nazareno. (Jonas Sulit)

Hindi naging magulo ang mga tao at walang mga deboto na sumugod sa andas upang tangkaing mahawakan ang imahe ng Itim na Nazareno bago magsimula ang prusisyon.

Ayon kay Badong, sa tatlong taon niyang karanasan sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo ay ito na ang pinakaorganisado at mapayapang Traslacion na kaniyang nakita.

Pinuri rin ng pari ang mga deboto na nanatiling disiplinado at kalmado at hinintay na maiporma nang maayos sa andas ang imahe.

Sa kabila na walang parusa sa mga hindi sumusunod, ang mga responsable at disiplinadong deboto ay tiyak aniya na mabibiyayaan at suswertehin.

“This year kakaiba eh. Iba kasi sa usual na nakikita natin. Dati magulo ‘yung stage, ngayon tahimik. Siyempre sa tulong ng mga servicemen natin. Salamat sa Diyos na nandiyan sila,” ayon kay Badong.

Hindi umano katulad noong nakalipas na taon na nagpabalik-balik bago naisakay sa andas ang Itim na Nazareno.

“Actually ‘yun talaga ang objective namin ‘yung mailagay sa parade ground tapos okey na. Compared last year kasi nagpabalik-balik kami dito atras-abante.

Pero ngayon, dito palang smooth. ‘Yung mga tao hindi sumugod, walang tao sa ibabaw ng stage habang binababa ‘yung Andas,” wika ni Badong.

Habang isinusulat ang balitang ito ay ipinuprusisyon pa ang Itim na Nazareno pabalik sa simbahan ng Quiapo.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments