TOTOO BA? – Remate

0
77


TOTOO ba? May dating asawa ng isang nakaupong senador ang gulatang nakasama sa foreign trip ni Pangulong Duterte.

Totoo ba? Nakasali siya sa biyahe dahil siya umano ay isang negosyante at presidente ng kaniyang sariling kumpanya na nagbebenta ng pharmaceutical ingredients at medical devices.

Totoo ba? Nang sinilip ang records ng SEC at pati na rin ng DTI ay walang nakarehistro sa pangalan ng sinasabing kumpanya na ito.

Totoo ba? Nang pinuntahan ang nakalistang address ng opisina ng kumpanya ay ang gusali ay abandonado na.

Totoo ba? Nasisingitan at nalulusutan ang listahan ng official delegates sa state visit ng Pangulo ng Pilipinas.

***

WALA tayong tutol na ipatupad sa bansa ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) sa gitna ng tumataas na bilang ng aksidente ng mga sasakyan sa lansangan.

Pero mabuti na rin at pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad ng nasabing batas nang hanggang anim na buwan matapos magkasundo ang Kamara at Land Transportation Office (LTO).

Hindi kasi maipaliwanag nang maayos ng mga kinauukulang ahensya ang ­nasabing batas kaya labis na nalito ang mga motorista.

Sino ba naman ang hindi papalag na hindi lang pala ang pagti-text at pagtawag sa telepono ang ipinagbabawal habang nagmamaneho ng sasakyan kundi pati ang pagsasabit ng mga rosaryo at iba pang religious image sa mga sasakyan. ‘OA’ na nga naman ito, hindi ba?

Totoong isa sa pangunahing dahilan ng sakuna sa kalsada ang ‘text & call’ ng tsuper habang nasa gitna ng pagmamaneho.

Ang pagkakaalam ko, ibinabawal naman talaga ito ngunit hindi lang iniimplementa.

Subalit ito lang ba ang dahilan o puno’t dulo ng maraming aksidente sa pagmamaneho, bukod pa sa pagiging lasing at pagkabangag ng driver sa droga?

Hindi ba’t marami ring ulat ng aksidente na ang sinisisi ay ang mga “nakadi-distract” sa highway na concrete barriers sa mga U-turn slot, partikular sa Commonwealth Avenue, Quezon Avenue at sa pangunahing lansangan na EDSA.

Dahil sa wala sa ayos na paglalagay ng concrete barriers na nagsisilbi lang “basura” at panganib sa mga motorista, marami nang buhay na napahamak sa mga ito.

Aba’y kung hindi kabisado ng isang tsuper ang kalsada kung saan mayroong U-turn slots, mabubulaga at maaaksidente talaga sa mga barriers ng MMDA.

Magbilang po tayo kung may ilang concrete barriers sa mga may U-turn slots na kalsada na basag at wasak. Aba’y sobrang dami. Nangangahulugan po ito na ito ay nabangga o sinalpok ng sasakyan. Aksidenteng malinaw na resulta ng kapalpakan ng MMDA.

Dahil din sa mga barriers ay lalong sumisikip ang trapiko imbes na makatulong sa pagluwag ng daloy ng mga sasakyan. Sa totoo lang.

Mantakin ba naman, ang isang 6 lane na highway ay nagiging 2 lane na lang kaya pinagmumulan ng trapik kahit hindi rush hour.

Heto pa. May ilang concrete at plastic barriers sa Commonwealth Avenue na sinasadya yata gawing “distraction” upang kapag may motoristang nadisgrasya, malinaw na kita ito para sa mga nakaabang na towing company? O, hindi ba’t totoo?! KANTO’T SULOK/NATS TABOY

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments