Tom and Carla tandem is back via ‘I Heart Davao’ | Tempo

0
34


By: Ruel J. Mendoza

SA teleserye na “My Destiny” noong 2014 pa huling nagkasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Pero sulit naman daw ang paghihintay ng mga gustong magtambal ulit sila dahil sa dalawang shows pa sila napanood.

Una sa telefantasya na “Mulawin vs. Ravena” at pangalawa sa nalalapit na bagong rom-com teleserye ng GMA Public Affairs na “I Heart Davao”.

“We shot ‘I Heart Davao’ in the beautiful province of Davao.

“Mga 17 days din kami doon nag-shoot at ang ganda ng Davao. Para kang nasa ibang bansa in Asia. Ang linis, walang pollution and you feel very safe.

“Very light and kuwento ng ‘I Heart Davao’ at hindi masyadong mabigat.

“May mga kilig moments kami ni Tom dito na na-miss ng mga fans na matagal na kaming kinukulit na gumawa kami ng teleserye together,” kuwento pa ni Carla.

Mabuti at meron silang bagong serye dahil namatay na kasi ang character ni Tom sa “Mulawin vs. Ravena”.

“But we don’t know what will happen, ‘di ba? It’s a teleserye and anything can happen. Kaya mabuti at meron kaming “I Heart Davao” that will air on June 26,” ngiti pa ni Carla.

Kinuwento pa ni Carla na pagkagaling ni Tom mula sa Amerika, sumabak agad ito sa trabaho.

“I know that Tom was still feeling down that time, pero bilib ako sa kanya kasi he was able to work on two projects pa when he returned.

“Nasa States pa lang naman si Tom, I always made him feel my support for him and his family.

“Physically, I can’t be there kasi, so I was always calling him up para kumustahin siya.

“I know how close Tom is sa dad niya kaya ramdam mo na sobra siyang apektado.

“But I always tell him that God has a reason kung bakit kinuha na ang dad niya. And he is in a better place now.

“Kaya noong nagte-taping na kami for “I Heart Davao”, I make it a point na pasayahin siya. Gusto kong maalis muna siya sa sad stage na iyon and make him feel that he is surrounded by people who love and supports him.”

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/20/tom-and-carla-tandem-is-back-via-i-heart-davao/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments