‘Tokhang’ surrenderer, patay sa engkwentro sa Bulacan

22



Patay ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga sa engkwentro ng mga pulis sa Barangay Look 1st, Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Sonny Torres na sumuko noong Nobyembre sa Oplan Tokhang.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos police, nagsagawa sila ng buy-bust operation nang biglang paputukan ng suspek ang mga operatiba.

Sangkot din umano ang suspek sa pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Ayon kay barangay chairman Delfin Chico, ipinagtaka nila ang biglang pag-asenso ng buhay ni Torres.

Nakapagpagawa raw ito ng malaking bahay at nakabili ng dalawang sasakyan.

Depensa naman ng bayaw ng suspek, binigyan umano ng malaking halaga ng pera si Torres ng kanyang amo matapos mabuksan ang isang vault.

Naglalaman umano ang vault ng pera na napulot mula sa mga tinangay ng tsunami sa Japan. – ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments