TINGNAN: Buntis na celebrities ngayong 2017

0
180



Maituturing na malaking papel ang gagampanan ngayong taon ng ilang celebrities na magiging ‘momshies’ na. Ang iba sa kanila’y first-time moms, habang mayroon ding ikinatutuwa ang paglaki pa lalo ng kanilang pamilya. Narito sila:

Sa dalawang retratong ibinahagi ng singer-actress na si Nikki Gil sa Instagram account, nakumpirmang buntis na siya sa unang anak nila ng asawang si BJ Albert. Mayo nitong taon unang napansin ng publiko ang ‘baby bump’ ng singer-actress pero wala siyang naging pahayag ukol dito.

Sabik nang salubungin ng mag-asawang si Joshua at Jopay Zamora ang kanilang unang anak matapos makunan ang Sexbomb dancer noong Pebrero 2015.

Maligayang ibinahagi ni Kaye Abad ang kaniyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawang si Paul Jake Castillo. Ikinasal ang dalawa sa Cebu noong Disyembre 2016.

Inaasahan na ni Pokwang at American actor boyfriend na si Lee O’Brien ang kanilang unang anak matapos makunan ang komedyante noong 2015. May isang anak na si Pokwang sa dating partner. Kamakailan ay naospital si Pokwang na binilinang magpahinga dahil maselan ang pagbubuntis sa kaniyang edad na 44.

Masayang ibinalita ng celebrity stylist at anak nina Albert at yumaong si Liezl Martinez na si Alyanna Martinez sa kaniyang Instagram account na dininig ang kaniyang panalanging magka-‘baby girl.’ Ito ang unang anak nila ng asawang photographer na si Roy Macam.

Inanunsiyo ni Karel Marquez noong nakaraang Father’s Day sa kaniyang negosyanteng asawang si Sean Fariñas ang pagbubuntis niya sa kanilang first baby. May dalawang anak na si Marquez na sina Keiley at Kyler sa dating karelasyong si Arman de Guzman.

Excited na ang actress-host na si Pauleen Luna na maging ina sa kanilang unang anak ni Vic Sotto.

Masayang ibinalita ni Bangs Garcia sa publiko ang kaniyang pagbubuntis sa panganay nila ng asawang si Lloydi Birchmore. Ikinasal sina Garcia at Birchmore noong Enero nitong taon sa Boracay.

Ipinagmamalaking ibinahagi ng sportscaster na si Erika Padilla sa Instagram account ang kaniyang ‘baby bump.’ First baby niya ito sa asawang si dating PBA player at ngayo’y Alaska Aces assistant coach Jeffrey Cariaso.

Laking pasalamat ni TV host Pia Guanio sa kaniyang pangalawang baby sa asawang si Steve Mago. May 5 taong gulang na anak na silang si Scarlet Jenine.

Ibinahagi ni “Star Circle Quest” alumna, Michelle Madrigal na magkahalong sabik at nerbiyos ang nararamdaman niya para sa magiging bagong kabanata ng kaniyang buhay — ang pagkakaroon ng pamilya. Kasalukuyang nasa relasyon si Madrigal sa dating football player, Troy Woolfolk.

Sabik na ang dating child star actress na si Camille Prats sa una niyang anak sa asawang si John Yambao. May lalaking anak na si Prats sa una niyang asawang si Anthony Linsangan na nasawi sa cancer noong 2011.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments