Tinamaan ng leptospirosis sa buong `Pinas tumaas ng 71.1%–DOH

0
20


Tumaas ng 71.1 porsiyento ang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto 5 ngayong taon, na umabot ng 910 kumpara sa 523 lang noong 2016, ayon sa datos na inihayag ni Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, sa 910 na kasong ito ay 96 ang namatay samantalang 50 lang ang naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang National Capital Region o Metro Manila ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 172; sumunod ang Davao Region, 112; Western Visayas, 98; Central Luzon, 80; at Ilocos region, 70.

Sa NCR din ang may pinakamaraming namatay sa leptospirosis, 22; sumunod ang Ilocos, 13; Calabarzon, 11; Eastern Visayas, 10; at Western Visayas, 9.

Samantala, ipinahayag naman ng Manila Health Department (MHD) na sa kabilang ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa buong bansa ay bumaba ng 64% ang kaso nito sa kanilang lungsod.

Ayon sa MHD, mula Enero hanggang ngayong Setyembre, 24 na kaso lamang ng leptospirosis ang naitala sa buong lungsod kumpara sa 66 sa katulad na mga buwan noong nakaraang taon.

Sinabi ni MHD Chief Dr. Benjamin Yson, sa 66 kaso ng leptospirosis nitong Enero hanggang Setyembre 2016, anim ang namatay kumpara sa 4 lang sa 24 insidente ng leptospirosis ngayong taon.

Ayon naman kay Mayor Joseph Estrada, ang mataas na pagbaba ng kaso ng leptospirosis sa lungsod ay dahil sa regular na paglilinis sa mga barangay na nakakatulong sa pag-alis ng mga pinagbabahayan ng mga daga at lamok na nagdadala ng iba’t ibang sakit.

“This is a significant development in our continuing program to eradicate infectious diseases that threaten the health of our constituents”, ayon sa Alkalde.

Patuloy din umano ang MHD, katuwang ang 59 community health centers, sa pagsasagawa ng information campaign sa mga komunidad ukol sa leptospirosis, dengue, Japanese encephalitis, at iba pang sakit.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments