Tikas ni Thomas pinang-utas ng Cavaliers sa Trail Blazers

16


Tinubog ni LeBron James ang mahalagang 24 points pero ang buwena-manong tikas ng debutanteng si two-time all-star Isaiah Thomas ang nag-ugat sa pag-utas ng Cleveland Cavaliers sa Portland Trail Blazers, 127-110, Martes ng gabi.

Limang players ng Cavaliers ang humatag pa ng double figures kasama na ang kay Thomas na nagpamalas ng dingas sa kanyang galing sa opensiba mula sa matagal nang inaabangang unang pakitang-gilas sa kanyang pang-apat na tropa sa National Basketball Association.

Itinakas ni Thomas ang 17 points sa 19 minuto sa loob kung saan sinimulan ang magaang na tikada sa 72nd NBA 2017-18 elims game kaakibat ng injuries sa kanyang hita at balikat.

Pumukol si Isaiah Thomas (3) ng Cleveland Cavaliers sa depensa ni Damian Lillard (0) ng Portland Trail Blazers sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio. (AFP)

“It was great see him get his first basket and go from there,” bulalas ni James kay Thomas. “He is a spark and the jump we needed on our team right now.”

May pitong assists at apat na steals rin si James habang umiskor din ng dobleng pigura sina starters Kevin Love (19) at Jae Crowder (17) para sa panalo ng Cavaliers.

Galing din sa bench gaya ni Thomas si ­Dwyane Wade na pumisak ng 15 points.

Nai-trade si Thomas ng Boston Celtics kasama sina Crowder, Ante Zizic at dalawang draft picks sa Cleveland kapalit ni Kyrie Irving sa off­season.

Huling naglaro si Thomas noong May 19, sa Game 2 ng Eastern Conference finals kontra Cavs.

Naglaro siyang may dinaramdam hanggang sa unang dalawang rounds ng playoffs, ang galaiti na nai-trade siya ng Boston. 





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments