THE SOURCE: Patricia Javier at Francine Prieto enjoy sa ‘nanay’ role

0
122


Nahihiya na si Patricia Javier sa kanyang American husband na si Dr. Rob Walcher dahil halos hindi na siya umuuwi ng bahay.

Dalawa ang regular television show na ginagawa ni Patricia para sa GMA 7 at sa Sari Sari Channel ng Cignal TV.

Si Patricia ang gumaganap na nanay ni Sanya Lopez sa Haplos, ang afternoon drama series ng GMA 7 na magsisimula sa July 10. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang taping nila sa isang bayan ng Pampanga. Araw naman ng Martes at Huwebes ang taping niya para sa show ng Sari Sari Channel.

Nagpapasalamat si Patricia dahil maunawain ang kanyang asawa dahil alam nito na gustung-gusto niya na umarte.

Sa kabila ng busy schedule ni Patricia, sinisiguro nito na nagagampanan niya ang kanyang mga responsibilidad bilang ina at asawa, lalo na ngayon na pareho nang nag-aaral sa isang exclusive school for boys ang kanilang dalawang anak.

Nanay ni Sanya Lopez ang role ni Patricia sa Haplos at gustung-gusto niya ang karakter na ginagampanan.

Marami ang nagsasabi na bagay na mag-ina sina Patricia at Sanya dahil may hawig ang mga itsura nila. Ayon kay Patricia, anak na babae ang trato niya kay Sanya dahil parehong la­lake ang mga anak nila ni Rob.

“Mababait sila,” ang sabi ni Patricia tungkol sa co-stars niya sa Haplos.

***

Nanay naman ni Thea Tolentino ang role ni Francine Prieto sa Haplos na may kinalaman sa ‘black magic’ ang kuwento.

Kung magkahawig sina Patricia at Sanya, mas malaki ang physical resemblance nina Francine at Thea.

Nagpapasalamat si Francine sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network dahil walong taon na ang nakalilipas mula  nang lumabas siya sa isang programa ng GMA 7. Hindi nakakalimutan ni Francine na ang Kapuso Network ang nagbigay sa kanya ng unang television assignment nang mag-decide siya noon na magpalit ng screen name at tumanggap ng daring roles.

Anna Marie Falcon ang tunay na pangalan na ginamit ni Francine nang maging miyembro siya ng That’s Entertainment noong 1993 hanggang 1996. Si Francine ang gumanap na young Narda noong 9-years old siya  sa 1991 Darna movie ni Nanette Medved.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments