THE SOURCE: PAOLO, HIWALAY NA KAY RONALD?

0
59


Ang cryptic caption ni Paolo Ballesteros na “That’s it, pancit” sa litrato ng mga bisig na may identical tattoos ang nagbigay ng hint na may problema sa “special friendship” nila ng dancer na si Ronald Ochoa Anog.

May mga nagkumpirma na hiwalay na sina Paolo at Ronald pero mas marami ang naniniwala na may mga pagsubok lang na pinagdaraanan ang kanilang unique relationship na normal na nangyayari sa dalawang nagmamahalan.

Marami ang nanibago kay Paolo nang ma­ging open at active ito sa social media tungkol sa special friendship nila ni Ronald kaya may mga nanghula na hindi magtatagal ang  kanilang pagsasama na masyadong high profile.

Mas nagtatagal ang mga discreet relationship, lalo na kung mga celebrity ang sangkot dahil nakakaligtas sila mula sa mga panghuhusga ng publiko.

‘MAHAL KITA’ MENSAHE NI TOM CRUISE SA MGA PINOY…

Natalbugan ng Korean heartthrob na si Kim Soo-hyun ang Hollywood actor na si Tom Cruise.
Ang The Mummy ang upcoming movie ni Tom kaya nagpunta siya sa Taipei, Taiwan para i-promote ang pelikula niya.

tom-mj
Tom at MJ

Hindi mahigpit ang mga bodyguard ni Tom kaya nalapitan siya ng TV5 reporter na si MJ Marfori na nagkaroon ng selfie photo sa sikat na aktor.

Nagawa pa ni MJ na kunan ng video ang hiling niya kay Tom na sabihin nito na Mahal kita.

Nahigitan ni Kim Soo-hyun si Tom dahil walang mga miyembro ng media ang nakalapit sa kanya sa launch ng isang produkto.

Mahigpit na ipinatupad ng mga matatangkad  na bodyguard ni Kim Soo-hyun ang utos na bawal lapitan ang Korean actor at hindi ito puwedeng interbyuhin ng local media na hindi naranasan ng mga nag-cover ng press launch sa Taipei ng The Mummy dahil naging accommodating si Tom.

Incidentally, nakunan ng video ang pagsigaw ni Lolit Solis ng “I love you” kay Kim Soo-hyun habang nagaganap ang product launch. Hindi basta napangiti si Kim Soo-hyun dahil natawa at napapalakpak ito nang makita ang ginawa ni Lolit.

Umuwi agad ng bahay si Lolit pagkatapos dumalo sa event na `yon dahil excited na pinanood niya ang DVD copy ng My Love from the Star, ang sikat na Koreanovela na pinagbidahan ni Kim Soo-hyun.

Sa edad na 70, malakas pa rin ang kilig ni Lolit dahil kilig na kilig siya sa shower scene ni Kim Soo-hyun sa My Love from the Star.

Mapapanood ngayong gabi sa GMA 7 ang pilot telecast ng local adaptation ng My Love from the Star.

Hindi lang kami sigurado kung kikiligin din si Lolit sa shower scene ni Gil Cuerva, ang gumanap na Matteo, ang karakter na pinasikat ni Kim Soo-hyun sa Korean version.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments