THE SOURCE: Pacquiao umaming ikinukonsidera na ang pagreretiro

0
85


Natawa si Senator Manny Pacquiao sa live interview sa kanya ni Noli de Castro sa TV Patrol noong Lunes.

Natawa ang Pambansang Kamao nang tanungin siya ni De Castro tungkol sa pagreretiro sa boxing dahil itinuturing na “ senior citizen “ sa favorite sports niya ang kanyang edad na 38.

“Kinokonsidera ko na rin ‘yan,” ang nakangiti na sagot ni Pacquiao.

“‘Yung opinyon ng mga tao, ‘yung opinyon ng pamilya at ‘yung katawan ko. At sa ngayon, hindi ko muna masasagot at mag-relax muna ako. Mag-recover muna ako… pananakit ng katawan at after that, saka ko na pag-isipan nang mabuti.

“Simula bukas, ire-review ko na ‘yung mga bills na ipa-file ko,” ang pahayag ni Pacquiao na itinanggi ang mga haka-haka na kulang siya sa preparasyon sa boxing match nila ni Horn.

“Hindi naman sa kulang sa preparasyon. Talagang matibay lang si Jeff Horn. `Yun ang panlaban niya, ‘yung tibay niya. Hindi naman siya mas­yadong magaling, matibay lang talaga.

Ginawa naman natin ang lahat ng makakaya natin. Hindi naman ako napagod hanggang twelve rounds.

“Walang problema du’n sa style ni Jeff Horn kung marumi siya na maglaro kasi may referee naman.

Para sa aming mga fighter, walang problema kahit marumi ‘yung kalaban mo basta ‘yung refe­ree, marunong siya sa kanyang ginagawa.

“Ang problema lang dito, ‘yung referee, hindi ko alam kung sinasadya niya talaga or wala talaga siyang experience, wala siyang alam.

Pinapaba­yaan na lang niya at wala man lang warning. Kumbaga, ‘yung referee, parang gusto pa niya na tulu­ngan ang kalaban ko,” ang sabi ni Pacquiao.

Kris Bernal lumutang ang galing

Tinutukan namin ang pilot episode ng Impostora ng GMA 7 noong Lunes at base sa aming napanood, malaki ang potensyal na magustuhan ng masa ang teleserye ni Kris Bernal na hindi na bago ang kuwento tungkol sa isang pangit na inaapi pero gumanda dahil sa tulong ng plastic surgeon na gi­namit siya para maipagpatuloy ang bawal na relasyon sa babae na pinagkopyahan ng kanyang mukha.

Over the top ang pagiging kontrabida ng mga karakter na ginagampanan nina Vaness del Moral at James Blanco pero mabilis ang mga pangyayari sa kuwento kaya hindi mababagot ang televiewers.

Mahusay si Kris bilang Nimfa, ang api-apihan dahil sa kanyang pangit na itsura pero makikita nang husto ang galing niya sa pag-arte kapag hindi na siya gumagamit ng prosthetic make-up at ito ang dapat abangan sa mga susunod na episode ng Impostora.

***

Sa July 12 na ang playdate sa mga sinehan ng Bloody Crayons, ang suspense-thriller movie ng Star Cinema na tinatampukan nina Janella Salvador, Elmo Magalona, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Empoy Marquez, Ronnie Alonte, Maris Rascal at Yves Flores.

Sikat na sikat na Wattpad story at best-selling novel ng Precious Pages ang Bloody Crayons na mula sa panulat ni Jason Argonza.

Sinabi ni Jason na mas lalong pinaganda ang kuwento ng movie version ng Bloody Crayons, sa tulong ng writing team ng Star Cinema.

Hindi sinagot ng mga artista ng pelikula ang tanong tungkol sa tunay na killer pero tiniyak nila na kumplikado at unpredictable ang plot twists.

Ipapakita raw sa Bloody Crayons ang bahagi ng buhay na susubok sa tibay ng tunay na pagkakaibigan.

Tungkol sa magkakabarkada na pumunta sa isang isla para gumawa ng horror short film ang kuwento ng Bloody Crayons.

Nagsimula ang problema ng magkakaibigan nang mamatay ang isa sa kanila nang maglaro sila ng Bloody Crayons, isang laro na may consequence ang bawat kulay (red, black, blue, white at pink) ng krayola na mapipili ng players na nakapalibot sa bloody crayons box.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments