THE SOURCE: “Kung nagnanakaw sana ‘yung asawa ko, wala kaming problema…” – Sharon Cuneta

0
76


Natabunan ng mga balita tungkol sa trahedya na nangyari sa Resorts World Manila noong Biyernes ang guesting ni Sharon Cuneta sa Tonight with Boy Abunda kaya hindi ito masyadong gumawa ng ingay, kahit nag-breakdown siya sa harap ng mahiwagang salamin ng TV host.

Maraming rebelasyon si Sharon kay Boy tulad ng pagtitiwala sa mga maling tao ng kanyang mga pumanaw na magulang kaya wala na siyang mamanahin. May dapat ipaliwanag ang former nurse ng ina ni Sharon na si Mrs. Elaine Cuneta dahil sa mabigat na akusasyon ng Megastar.

Walang binanggit na pangalan si Sharon, pero sinabi niya sa national television ang tungkol sa pagnanakaw ng nurse sa expensive Hermes Birkin bag ng kanyang ina. Kung walang katotohanan ang paratang ni Sharon, may karapatan ang nurse na ipagtanggol ang sarili at patunayan na inosente siya.

Nilinaw ni Sharon na hindi ito nagyayabang pero bilyonarya na siya bago pa sila nagpakasal ni Senator Francis Pa­ngilinan.

“Nanakawan kami ng mana. Even my mom, I will not say who but it was a nurse of hers, stole even the Birkin I gave her. Stole the money that came from the sale of our house in Dasma where we grew up. I mean, wala kaming minana so I am so angry….

“I am so sorry… I don’t mean to brag but I am not bankrupt. I have been a billionaire since before I married Kiko…I don’t expect Kiko to pay for my utang. Wala naman siyang kinalaman. Hindi naman sa nange­ngealam ‘yun eh. ‘Di ba nga, may pre-nup kami na suggestion niya kasi nga honorable ‘yung asawa ko. Kung nagnanakaw sana ‘yung asawa ko, wala kaming problema,” ang bahagi ng  makahulugan na sabi ni Sharon na dapat  ika-aray ng ibang mga pulitiko.

May mga bumatikos sa mga pahayag ni Sharon sa show ni Boy Abunda dahil sa dami ng mga biyaya na natatanggap niya, tila hindi pa siya maligaya.

Pero nang humarap si Sharon sa magic mirror ni Boy, obvious na alam ng aktres ang kanyang mga kahinaan at pagkakamali at kailangan lamang niya na isabuhay ang kanyang payo sa sarili.

“You are so blessed. You must thank more often than complaint although you’ve always been grateful. You must think of many people there are who are less fortunate than you. You must forgive yourself for decisions that are nobody’s fault but yours ‘coz you made them,” ang mensahe ni Sharon sa sarili.

Pagkatapos mapanood ang interview ni Sharon sa Tonight with Boy Abunda, si Star for All Seasons at House Representative Vilma Santos-Recto ang pumasok sa aming isip. Superstar din ang kategorya ni Vilma sa showbiz, dumaan siya sa maraming pagsubok at nagsimula ang career niya bilang childstar pero buong-buo pa rin ang res­peto sa kanya ng publiko dahil napanatili niya ang dignidad sa sarili, sa likod at sa harap ng kamera.

Perfect ang description kay Vilma ng isang respected showbiz authority na nasubaybayan ang lahat ng mga pangyayari sa personal at professional life niya.

“Vi is a beautiful survivor of life’s trials and has earned the public’s sustained respect and admiration because she has kept her dignity on and off camera, and she doesn’t inflict her privates pains, imagined or otherwise, on the public.

“Remember, respect begets respect. Vi is the perfect role model not only of her colleagues but of the public as well.”

EMPLEYADO NG RWM, UMALMA KAY CONG. ATIENZA!

Ang mag-concentrate na lang bilang host ng Maynila, ang Saturday  television show niya sa GMA 7 ang payo kay Buhay Partylist House Representative Lito Atienza ng mga empleyado ng Resorts World Manila na nasaktan sa kanyang pahayag na dapat isara ang naturang establishment dahil sa trahedya na naganap noong Biyernes.

Umalma ang mga empleyado ng Resorts World Manila dahil libu-libo sila na mawawalan ng trabaho kapag pinakinggan ang apela ni Congressman Atienza na “Ang patuloy na pag- operate ng Resorts World ay maglalagay lamang sa alangan sa kaligtasan ng mga empleyado at guests nito.

“Tinatawagan ko ang PAGCOR at Pasay City Government na suspindihin ang lisensya ng Resorts World hanggang hindi pa nasasagot ang katanungan paano nalusutan ng isang taong may baril ang mga security at ang hindi pag-gana ng sprinkler system nito na naging dahilan ng pagkamatay ng marami sa suffocation.

“Ako ay nagmungkahi sa liderato ng Kongreso na agad imbestigahan ang malinaw na kapabayaan ng pamunuan ng Resorts World sa nangyari. Kung napatunayan na nagkulang at nagkasala ang Resorts World ay nararapat lamang na kanselahin na ang lisensya nito.”

With due respect kay Congressman Atienza, ipinakita sa TV Patrol ang panayam sa mga guest ng Maxims Hotel ng Resorts World na nagkuwento na basang-basa sila ng tubig mula sa sprinkler ng building habang papalabas sila sa fire exit  para makatakas sa panununog at pamamaril ng gunman na si Jessie Carlos.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments