THE SOURCE: KRIS SA ‘WOWOWIN’, WALANG KATOTOHANAN!

0
131


Ang reigning Bb. Pilipinas Globe na si Nelda Ibe ang bagong co-host ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA 7.

Graduate si Nelda ng Bachelor of Arts in English major in Literature sa Tarlac State University at cadet pilot sa Alpha Aviation Group bago siya sumali sa Bb. Pilipinas noong April 2017.

Si Nelda ang official representative ng ating bansa sa Miss Globe na posibleng idaos sa Finland sa October 2017.

Makakatulong ang stint ni Nelda sa Wowowin para madagdagan pa ang confidence niya at mahasa sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

Si Willie Revillame ang nagbalita sa Abante tungkol sa participation ni Nelda sa top-rating game show niya sa GMA 7.

May common interest sina Willie at Nelda dahil piloto ang beauty queen at dalawa ang eroplano na pag-aari ng Wowowin host.

Hindi lamang si Nelda ang karagdagan sa programa ni Willie dahil regular na rin na mapapanood sa Wowowin si Verna. Napansin ni Willie sa audience gallery si Verna nang panoorin nito ang Wowowin sa studio ng GMA 7 noong July 2017.

Naging magaan agad ang loob ni Willie kay Verna na magaling kumanta at malakas din ang sense of humor.

“Pekla” ang ibinigay na screen name ni Willie kay Verna na nadiskubre niya ilang linggo matapos mapabalita na inalis sa Wowowin ang stand up comedian na si Tekla dahil nalulong umano ito sa isang bisyo.

Nang kumalat ang balita na tutulungan ni Willie si Kris Aquino para magkaroon uli ito ng television show, may mga umapela na pabalikin din niya si Tekla na hindi na mangyayari dahil kumuha na siya ng mga bagong co-host, sina Nelda at Pekla.

Wala ring katotohanan ang mga speculation na magiging bahagi ng Wowowin si Kris Aquino dahil sa social media post nito na “future boss” niya si Willie Revillame.

Nang makausap ni Willie ang Abante, malinaw ang sinabi niya na gusto ni Kris na lumabas sa Wowowin. Maluwag sa kalooban ni Willie na pagbigyan ang kagustuhan ni Kris kaya inaayos na niya ang guesting ng TV host-actress sa Wowowin.

Most likely, according to Willie, iimbitahan niya si Kris na mag-guest sa kanyang game show, bago sumapit ang Pasko.

Kung sakaling magsasama sina Willie at Kris sa isang television program, hindi sa Wowowin.

Mala-American Idol ang concept ang show na naiisip ni Willie para sa kanilang dalawa ni Kris pero hindi pa ito magaganap sa lalong madaling panahon dahil makikipag-usap pa siya sa mga executive ng GMA 7.

Inulit ni Willie ang madalas na sabihin na masayang-masaya at kuntentong-kuntento siya sa napakaganda na trato sa kanya ng management ng Kapuso Network.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments