THE SOURCE: JERIC RAVAL, FRESH AT BAGETS PA RIN, DAHIL SA…

0
289


JERIC at JANINA RAVAL

Nasagot na ang misteryo sa tunay na edad ng former action star na si Jeric Raval. Nagkasama sina John Lapus at Jeric sa Working Beks ng Viva Films noong 2016.

Nakatuwaan ni John na itanong ang edad ni Jeric na sinagot nito ng “54”. Ikinabaliw ni John ang sagot ni Jeric dahil walang-wala sa itsura nito ang edad na sinabi.

Nanindigan si Jeric na 54 na ito at screen age lamang ang edad niya noong exclusive contract star pa siya ng OctoArts Films.

Napatunayan namin na biktima si John ng biro ni Jeric nang aming makausap si Janina Raval, ang 19-year old daughter ng former action star na pumirma ng 5-year exclusive contract sa Viva Artists Agency noong Huwebes.

“Forty-five,” ang walang kagatul-gatol na sagot ni Janina nang itanong namin ang tunay na edad ng tatay niya.

Kahit alam namin na hindi nagsisinungaling si Janina, mahirap paniwalaan na 45 years old na si Jeric dahil batambata pa rin ang itsura niya.

“Baguhin mo lang ang pananaw mo, huwag ka nang mainisin, huwag kang magagalitin.

Huwag kang magpupuyat dahil sa alak,” ang ilan sa ipinagtapat ni Jeric na sikreto kaya boyish-looking pa rin siya.

Nakapasok si Janina sa Viva Artists Agency dahil sa tulong ni Jeric na matagal nang contract star ng talent management agency ng Viva Entertainment.

Muling magbibida si Jeric sa Double Barrel, ang launching movie nina Phoebe Walker at AJ Muhlach.

Maganda ang billing ng pangalan ni Jeric sa Double Barrel dahil importante ang role niya sa kuwento ng comeback movie ng action director na si Toto Natividad.

Monica Herrera, tumaba pero pretty pa rin!

Matagal nang pangarap ni Janina Raval na maging artista tulad ng kanyang mga magulang pero hindi muna siya pinayagan ng nanay niya, ang dating aktres na si Monica Herrera.

“Noong high school pa lang ako, gusto ko na talaga na mag-artista. Sinabi ng mom ko, try to finish muna ‘yung studies.

Nu’ng naka-graduate na ako ng high school, sabi ko, ‘Mom, baka puwede naman habang college ako, makakapag-focus naman ako, pumayag siya,” ang kuwento ni Janina tungkol sa pagkumbinsi niya kay Monica na payagan siya na pumasok sa showbiz.

“Tumaba but she’s still pretty. She’s still beautiful!” ang sagot ni Janina nang kumustahin ng entertainment writers ang nanay niya na in demand noon na leading lady sa pelikula ng mga action star.

Hindi pa alam ni Janina ang mga plano sa kanya ng Viva Artists Agency dahil kapi­pirma pa lamang niya ng kontrata pero isa sa kanyang mga pangarap ang magkaroon ng record album na may posibilidad na mangyari bilang may recording company ang Viva Entertainment, ang Viva Records.

“I can sing naman. Dati ako sa banda. Kasama ko si Rannie Raymundo. I was sixteen, nag-start ako noong 15 years old ako.

Before ako sumali sa banda, kasali ako sa choir sa simbahan,” ang rebelasyon ni Janina tungkol sa singing talent niya.

Sinamahan si Janina ni Jeric sa Viva Entertainment office nang pumirma siya ng kontrata.

Kung hindi alam ng mga tao na mag-ama ang dalawa, mapagkakamalan nila na girlfriend ni Jeric si Janina dahil halos hindi nga nagkaedad ang aktor na iniiwasan nang magsuot ng mga leather jacket na  bahagi ng reinvention niya sa sarili.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments