THE SOURCE: DION AT TJ, HINDI NAKILALA SA MvR! 

0
51


Dion Ignacio at TJ Trinidad

Ang iparating ang concern namin sa mga direktor ng Mulawin vs. Ravena na sina Dominic Zapata at Don Michael Perez ang aming sinabi kay Bea Binene, isa sa mga bida ng primetime telefantasya ng GMA 7.

Napansin namin na mahirap kilalanin ang ibang mga artista ng Mulawin vs. Ravena dahil masyadong makapal ang mga face paint nila.

Kung hindi pa kami nagtanong, hindi namin malalaman na ang mga mukha nina TJ Trinidad at Dion Ignacio ang nasa likod ng makapal na face paint.

Hindi kami nag-iisa. Nahihirapan din ang televiewers na makilala ang ibang mga karakter sa Mulawin vs. Ravena dahil sagabal ang face paint.

Actually, ipinarating na rin namin kay Don Michael Perez ang aming obserbasyon at nangako siya na sasabihin sa mga kinauukulan ang reklamo ng manonood.

Dusa sa taping!

Si Bea Binene ang anak ni Carla Abellana sa Mulawin vs. Ravena pero sa susunod na linggo pa mapapanood ang mga eksena niya.

Sampung taon lang ang age difference ni Carla kay Bea at dahil isang fantasy series ang television show nila, hindi isyu na napa­kaaga pa para gumanap si Carla bilang nanay ni Bea. Twenty nine years old si Carla at 19 years old si Bea.

Dusa ang taping nila dahil nararanasan ni Bea na maglakad nang malayo at lumusong sa tubig para makarating sa set pero hindi siya nagrereklamo.

Excited si Bea sa tuwing may taping siya dahil gustung-gusto niya ang karakter na ginagampanan.

Walang reklamo si Bea kapag isinasabit ito sa harness para sa kanyang mga flying scene dahil hindi raw siya nakakaramdam ng pananakit ng katawan na kadalasan na reklamo ng co-stars niya.

Erika at Jeff, pakakasal sa US!

Ang Can We Still Be Friends? ang huling pelikula ni Erika Padilla bago nito isilang sa October 2017 ang panganay na anak nila ng former PBA player na si Jeff Cariaso, ang current coach ng Alaska Aces.

Bukod sa pag-arte, courtside reporter sa PBA si Erika at dito sila nagkakilala nang husto ni Jeff.

Nang dumalo si Erika sa presscon ng Can We Still Be Friends?, hindi agad napansin ng entertainment press ang baby bump niya dahil seksing-seksi siya sa kanyang suot na black dress.

Six months pregnant si Erika at kasado na ang plano nila ni Jeff na civil wedding sa Amerika.

Tulad ng past movie and television assignments niya, kaibigan uli ang role ni Erika sa pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at Gerald Anderson.

Ang 1978 hit song ni Todd Rundgren na Can We Still Be Friends? ang ginamit na official theme song ng second movie team up nina Arci at Gerald.

Si Toni Gonzaga ang umawit ng theme song na nagkaroon ng online premiere noong Martes nang gabi.

Mark Anthony movie, imposible!

Lumabas ang balita na kasali si Mark Anthony Fernandez sa cast ng isang action movie na mapapanood bago matapos ang 2017.

Walang katotohanan ang balita dahil alam ng lahat na nagdurusa pa rin si Mark sa Pampanga Provincial Jail mula pa noong October 2016.

Violation of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kaso na isinampa kay Mark dahil nahuli sa pag-iingat niya ng isang kilo ng marijuana noong October 2016 at hanggang ngayon, patuloy na dinidinig ang kaso kaya imposible na makagawa siya ng pelikula.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments