THE SOURCE: CHRISTIAN BABLES, NAGPASILIP NG NOTA SA ‘SIGNAL ROCK’?

0
68


Signal Rock na ang bagong title ng Bagtik, ang pelikula ni Chito Rono na pinagbibidahan ni Christian Bables.

Si Chito ang direktor at producer ng Signal Rock na kinunan ang lahat ng mga eksena sa Samar.

Noong pinaplano pa lamang niya ang project, naghanap si Chito ng baguhang aktor na handa na magkaroon ng mga frontal nudity scene.

Hindi na natuloy ang search ni Chito dahil si Christian ang napili niya na mainit na mainit ang pa­ngalan noong December 2016 dahil pinupuri ng lahat ang kanyang performance sa Die Beautiful.

Hindi lamang ang Signal Rock ang movi­e pro­ject nina Chito at Christian dahil magkasama rin sila sa The Ghost Bride, ang horror movie ng Star Cinema na kinu­nan naman ang mga eksena sa Nepal at may tentative playdate sa August 16, 2017.

Ang The Ghost Bride ang second movie pro­ject ni Christian sa Star Cinema dahil cast member din siya ng Finally Found Someone, ang romantic comedy movie na tinatampukan nina Sarah Geronimo at John Lloyd.

Ikinuwento ni Christian sa presscon ng Finally Found Someone na idol na idol niya si John Lloyd. Parang institus­yon na si John Lloyd sa entertainment industry habang pinapakinggan niya ang sinasabi ni Christian na pinag-aralan at ginaya nito ang acting ng lead actor ng Finally Found Someone.

Parehong nominad­o sina Christian at John Lloyd sa best suppor­ting actor category ng 40th Gawad Urian.

Kumbaga sa pelikula, parang sina Dorina at Lavinia (ang mga karakter sa Bituing Walang Ningning) but in a good way, sina John Lloyd at Christian dahil tinalo nito ang iniidolo na aktor sa best supporting actor category ng award-giving body ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

‘Fangirl…’ nina Julian-Ella, matutulad sa ‘Panget’?

Inilabas ng Viva Films noong Sabado ang official trailer ng Fangirl/Fanboy, ang launching movie ng Julianella, ang loveteam nina Julian Trono at Ella Cruz.

May kilig factor ang trailer ng Fangirl/Fanboy na mapapanood sa mga sinehan simula sa September 6 kaya marami ang naniniwala na magiging blockbuster din ang pelikula gaya ng surprise hit movie na Diary ng Panget, ang unang pelikula ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Natutuwa ang fans nina Julian at Ella dahil kasali sila sa malalaking plano ng Viva Entertainment para sa mga bida ng Fangirl/Fanboy.

Mala­king karangalan para sa Julianella fans na inalam at hiningi ng Viva Entertainment ang mga suggestion nila para lalong tangkilikin ng publiko ang loveteam nina Julian at Ella.

Ramdam na ramdam ng fans ng Fangirl/Fanboy stars ang pagpapahalaga sa kanila ng Viva Entertainment na kinikilala ang napakalaki na kontribusyon ng mga taga-hanga sa tagumpay ng showbiz career ng mga artista.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments