THE SOURCE: BACKPACK, BIG BAGS BAWAL SA BRITNEY SPEARS CONCERT!

0
74


Mahigpit na ipinagbabawal ng mga opisyal ng Philippine National Police ang pagdadala ng backpack at malalaking bag ng mga manonood ng Britney, Live in Manila, ang concert ni Britney Spears na magaganap ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

Pinayuhan ng PNP ang Britney Spears fans na pumunta nang maaga sa venue dahil magi­ging mahigpit ang pag-iinspeksyon nila sa mga gamit na dala ng concertgoers para hindi maulit ang trahedya na nangyari noong nakaraang buwan sa concert ni Ariana Grande sa Manchester, England.

Marami ang nagbuwis ng buhay at nasaktan sa concert ni Ariana noong May 22 dahil sa krimen na ginawa ng suicide bomber na si Salman Abedi.

Ipinagbawal ng PNP ang mga backpack at big bags dahil ito ang kadalasan na ginagamit sa mga terror attack.

Malaking bag na pinaglagyan ng M16 rifle ang bitbit ng gunman na si Jessie Carlos nang mamaril at sunugin nito ang casino ng Resorts World Manila noong June 2.

Inaasahan ng PNP na 10,000 ang bilang ng mga manonood ng Manila concert ni Britney pero nang mag-check kami kahapon, hindi pa sold out ang tickets na P28,350 ang pinakamahal na presyo at P5,775 ang pinakamura.

Bukod sa Britney Spears concert, pinaghahandaan na rin ng PNP ang Dangerous Woman Tour, ang concert ni Ariana Grande sa August 21, 2017 na idaraos rin sa Mall of Asia Arena.

DIREKTOR, ISINUSUMPA NG MGA ARTISTA, STAFF!

Isinusumpa ng mga artista ng isang programa ang direktor nila dahil sa pangit na ugali nito.

Madalas na pinapahiya ng direktor ang mga artista na nagre­reklamo na biktima sila ng “bullying”.

Yumabang at lumaki ang ulo ng direktor dahil nagkaroon ito ng ilusyon na mataas ang ratings ng lahat ng mga television show niya.

Hindi lamang ang mga artista ng programa ang biktima ng magaspang na ugali ng direktor dahil pati ang mga personal assistant, pinapatulan niya.

Isang personal assistant ang hindi nakatiis sa pagmamaltrato ng direktor. Gumanti siya sa pamamagitan ng pagtalak at pagbanggit sa pangalan ng sikat na personalidad na ugat ng pagkasira ng relasyon ng direktor at ng ex-lover nito.

Natulala ang direktor nang marinig ang pangalan ng showbiz personality na kinamumuhian niya kaya panalung-panalo ang pakiramdam ng triumphant personal assistant.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments