THE SOURCE: Ate Vi hindi nakasipot sa kasal

0
40


Hindi nakarating si Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto sa church wedding nina Quezon City District V Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa Manila Cathedral noong Linggo.

Kabilang sa principal sponsors ang Star for All Seasons kaya siya ang hinanap ng mga bisita. Alam ni Alfred na hindi makararating ang kanyang ninang dahil nagkita at nagkausap sila sa joint session ng Kongreso noong Sabado.

Ninang din sa Vargas-Espiritu Nuptials si Kris Aquino na malaki ang ipinayat at iginanda, isang advantage ng kawalan niya ng show sa telebisyon dahil nabawasan ang kanyang stress at nagkaroon siya ng oras para sa sarili.

Hindi na dumalo si Kris sa wedding reception na ginanap sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula dahil umuwi na siya sa bahay niya.

Pinag-usapan at nag-click sa followers ni Kris ang litrato niya na nakalubog sa swimming pool, suot ang gown na kanyang ginamit sa kasal nina Alfred at Yasmine.

Ang ginawa ni Kris ang local at conservative version ng paghuhubad ni Halle Berry sa Versace gown na ginamit niya sa Oscar Awards noong Pebrero 2017 at nag-skinny dipping siya sa swimming pool.

Kris hindi na raw mag-aasawa

Secondary sponsors sa Vargas-Espiritu Nuptials sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Mga ninang sina Lolit Solis at Kris Aquino. Sa harap ni Vice Mayor Belmonte, sinabi ni Lolit kay Kris na si Joy ang iboboto niya sa susunod na eleksyon.

Balitang-balita na si Kris ang gusto ni Herbert na kumandidato bilang alkalde ng Quezon City sa eleksyon sa 2019 at kung tatanggapin ng TV host/actress ang hamon, si Joy ang makakalaban niya.

Ayon kay Lolit, sinabi sa kanya ni Kris na balita lang ang isyu tungkol sa kagustuhan ni Herbert na tumakbo siya na mayor ng Quezon City sa 2019.

Nabigo si Lolit na mapikon si Kris sa kanyang mga biro dahil parang pinaghandaan umano ng TV host/actress ang pagkikita nila sa Manila Cathedral.

Nang tuksuhin ni Lolit na palagi na lang na ninang sa mga kasal si Kris, hindi raw ito nagpaapekto at sumagot na hindi na siya mag-aasawa o magpapakasal.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments