THE SOURCE: ARIANA, AYAW MUNANG MAG-PERFORM!

0
49


ariana-grande
Ariana Grande

Nag-aalala ang Filipino fans ng American pop star na si Ariana Grande na baka hindi matuloy ang Dangerous Woman Tour Mall niya sa Mall of Asia Arena sa August 21 dahil sa trahedya na  nangyari noong May 22 sa kanyang  concert sa Manchester Arena, Manchester, England.

Dalampu’t dalawa ang namatay at limampu’t siyam ang bilang ng mga sugatan dahil sa krimen na ginawa ng suicide bomber na si Salman Abedi.

May two-night concert pa si Ariana sa The O2 Arena sa London sa May 25 at May 26 pero nanganganib na hindi ito matuloy dahil masyadong dinamdam ng American singer ang naganap na trahedya na kumitil sa buhay ng kanyang mga kabataan na tagahanga. Sinabi ng isang malapit kay Ariana na wala ito sa kundisyon na mag-perform.

Bumalik na si Ariana sa Florida, USA noong Martes para makapiling ang pamilya niya.

Huling nag-perform si Ariana sa Mall of Asia Arena noong August 23, 2015 sa kanyang successful concert na The Honeymoon Tour.

Nababahala ang Filipino fans ni Ariana na makaapekto sa Philippine visit niya ang Manchester tragedy dahil kasabay nito ang balita tungkol sa kaguluhan na nangyayari sa Marawi City kaya nagdeklara ng martial law sa naturang lugar si President Rodrigo Duterte.

Meanwhile, early coordination sa pagitan ng mga organizer ng upcoming  Manila concert ni Ariana at ng police authorities ang payo ng Philippine National Police para sa kaligtasan ng lahat.

DLSU AT LPU STUDENTS, TOP CONTENDER
SA MISS KOREA PH!

Ipinakilala noong Martes sa grand ballroom ng City of Dreams ang sixteen official candidates ng 2017 Miss Korea Philippines. Ang Pilipinas ang napili na maging host country ng first ever regional preliminaries sa South East Asia.

“To foster the relationship between South Korea and the Philippines, serving as a medium of cultural exchange between the two countries, to encourage the change of prejudices and perceptions about Philippines safety, promoting the country’s beautiful environment and heart-warming people,” ang paliwanag ng mga organizer kaya magaganap sa bansa natin ang regional preliminaries ng naturang beauty pageant.

Mga Korean ladies na kasalukuyan na naninirahan sa ating bansa ang mga kasali sa Miss Korea Philippines at ang mananalo ang magiging representative sa Miss Korea pageant na magaganap sa July 2017 sa Seoul, South Korea.

Ang magwawagi na Miss Korea 2017 ang official delegate ng South Korea sa 66th Miss Universe.

Matatalino at malaki ang pagmamahal sa Pilipinas ng mga kandidata ng Miss Korea Philippines na nag-aaral at nagtatrabaho sa bansa natin. Fluent sa pagsasalita ng wikang Pilipino ang karamihan sa kanila.

Sina Cho Wonhee, ang 20-year old student ng De La Salle University at Lee Hanna, ang 19-year old student sa Lyceum of the Philippines University ang dalawa sa mga top contender para sa Miss Korea Philippines title dahil sa kanilang ganda at husay sa pagsagot sa question and answer portion.

Ang The Korea Times ang major sponsor ng 2017 Miss Korea Philippines at nakatakda ang coronation night nito sa May 30 sa Chaos ng City of Dreams Manila.

The post THE SOURCE: ARIANA, AYAW MUNANG MAG-PERFORM! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments