THE SOURCE: AKTOR, NASAKAL SA MATAPANG NA MISIS!

0
96


Ang wala sa lugar na katapa­ngan ang dahilan ka­ya hiniwalayan ng aktor ang misis niya.

“Kahit sa harap ng ibang mga tao, hinihiya siya ng mi­sis niya,” ang kuwento sa amin ng kaibi­gan ng aktor na saksi sa maraming beses na insidente ng panghihiya ni misis kay mister.

“Inaaway rin niya ang kaibigan ng asawa niya. Masyadong palaban,” ang dagdag na kuwento ng kaibigan ng aktor.

Maraming bisyo ang aktor bago nito nakilala ang babae na pinakasalan na inakala niya na magiging mabuti na asawa at ina.

Mula nang magpakasal sila, malaki ang ipinagbago ng ugali ng aktor dahil mahigpit ang kanyang misis pero nasakal siya nang tumagal ang pagsasama nila.

Natuto ang aktor na pumatol sa ibang mga babae na naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang matapang na asawa.

May bago nang karelasyon ang aktor na hindi control freak pero hiniwalayan din niya nang magkaroon siya ng malaking problema.

CARLA-TOM, ‘DI NA BABALIK SA MvR!

Hindi muna mapapanood sa Mulawin vs. Ravena ang real-life lovers na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez hanggang hindi natatapos ang I Heart Davao, ang primetime tele­serye nila na magsisimula sa Lunes, June 26.

Ipinakita na umalis sa kaharian ng Avila si Aviona, ang karakter na ginagampanan ni Carla sa Mulawin vs. Ravena para hanapin si Rodrigo (Tom) pero ang totoo, pahinga muna sila sa telefantasya ng GMA 7 dahil mag-uumpisa na ang I Heart Davao na gabi-gabi rin na mapapanood sa primetime slot ng Kapuso Network.

Kinumpirma ng isang insider na hindi babalik ang mga karakter nina Carla at Tom sa Mulawin vs. Ravena habang umeere sa telebisyon ang I Heart Davao.

Cinema tickets sa Resorts World, murang-mura na! 

Discounted cinema ticket prices ang promo ng Newport Mall Cinema ng Resorts World Manila para maengganyo ang publiko na muling tangkilikin ang kanilang mga sinehan matapos ang trahedya na nangyari noong June 2, 2017.

Mula Php260 hanggang Php280 ang regular price ng ticket sa mga sinehan pero nagbaba ng presyo (Php170 para sa adult audience at P150 para sa mga bata na may edad 12 pababa mula 1 pm hanggang 4 pm sa Cinema 2, 3 and 4) ang Newport Mall Cinema management.

Maliban sa casino, halos bukas na ang karamihan sa mga business establishment sa Resorts World Manila, pati na ang Newport Performing Arts Theater, ang venue ng Miss Global Philippines 2017 coronation na magaganap ngayong gabi.

Umaasa ang mga empleyado ng Resorts World Manila na babalik na uli sa normal ang operasyon ng kanilang kompanya.

Ikinatuwa nila at naging moral booster sa kanila ang presence ni David Chua sa Resorts World Manila noong Huwebes.

Si Chua ang Hong Kong-based chairman ng Travellers International Hotel Group, ang nagmamay-ari at operator ng Resorts World Manila, na humarap sa congressional hearing noong Martes.

Nangako ang Resorts World Manila management na pag-aaralin nila hanggang college ang mga anak ng mga nasawi sa malagim na pangyayari.  

Ikinalulungkot ng mga empleyado ang kumpirmadong balita na may looting na naganap at may mga guest na nagdeklara na nawalan sila ng mga gamit nang mangyari ang pag-atake ng gunman na si Jessie Carlos sa casino ng Resorts World Manila noong June 2.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments