Thai TV host na-trauma sa AlDub Nation

0
41


Nakatikim ng malu­pit na reaksiyon ang Thai TV host na si Ning Saraika mula sa AlDub fans na hanggang ngayon ay tala­gang buo at solido pa rin. Dahil lamang sa IG post nito kung saan binanggit niya na ayon sa interview niya ay sinabi ni Alde­n Richards na siya ay single­, hayun natikman nga niya ang hagupit nang pamba-bash sa kanya.

Halos umabot sa mahigit tatlong daan ang nagkomento sa kanya sa post niyang ito na karamihan nga ay pangne-nega­ sa kanya. Kahit caption lang ng video­ post ni Ning sa interview niya kay Alden tungkol sa teleseryen­g Carmela na pino-promote nila sa Thailand, aba, hindi talaga nagpaawat ang AlDub nation.

Hindi pa rin nila matanggap na wala pang relasyon sina Alden at Maine Mendoza dahil sa sweetness nga nila sa isa’t isa. Wala mang pag-aamin sa dalawang ito, assumed na nila na meron na talagang something-something sa phenomenal love team na ito.

Kaya, huwag na huwag patayin ang ‘ilusyong’ silang dalaw­a na nga kung ayaw mong bombahin ka nila ng kung anik-anik na bashings.

Nagulat talaga si Ning sa tindi ng reaksiyon sa post niya, kaya siya na rin mismo ang nagbura ng caption na yun kahit pinaninindigan niyang sinabi talaga ito ni Alden. Humingi na rin siya ng despensa dahil hindi raw niya alam na ganun katindi ang AlDub nation, sabay sabi na binanggit lang naman ito ni Alden to please his Thai fans.

Pero, kahit pa, wala pa ring tigil ang dumarating na komento laban sa kanya. O, ‘di ba?

Sabi nga, ‘think before you click’. ‘Yun na!

Sanya Lopez ‘ibabahay’ na ni Rocco Nacino?

Kung may tiyaga, may nilaga. Ito ang gustong iparating ni Rocco Nacino na sa ngayon ay in process na niya ang kanyang dream house para sa sarili at sa magiging pamilya niya na itatayo sa Antipolo­, Rizal.

Bonggacious nga raw ito dahil aabutin ito ng halos P20 million! Matuk mo?

Pero, kasado na nga raw ang lahat dahil aprubado na niya ang plano ng architect at pinatatanggal na niya ang mga kahoy na nasa lupa niya na hindi naman magagamit habang kino-construct ito.

Very modern daw ito na mas marami ang bintana, at mga kahoy ang mga materyal na gagamitin. Kaya, todo-kayod nga raw siya ngayon dahil wala na talaga itong atrasan.

Kumportable naman siya sa residential house nila ng kanyang pamilya­, pero ang rason nga ni Rocco ay para kung sakaling magkapamilya na siy­a ay sigurado nang may malilipatan sila at makakabukod kaagad sa kanyang mga magulang.

Kanino naman niya inaaalay kaya yun lalo na at wala pa naman siyang sariling pamilya?

Kay Sanya Lopez kaya?

Well, abangan na lang natin kung ito ngang kapatid ni Jak Roberto ang ititira ni Rocco sa bahay na yon, dahil wala pa namang direktang pag-amin ang binata na silang dalawa na nga kahit ang drama niya ay ito ang pinakamalapit na babae sa kanyang puso sa ngayon.

Malay nga naman natin, noh!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments