Temperatura sa Baguio City, bumagsak sa 11.4 degrees Celsius

20


BUMAGSAK  sa 11.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamalamig na temperatura sa lungsod na naitala ngayong buwan.

Naitala ang nasabing temperatura kaninang alas-5 ng umaga.

Sinabi rin ng PAGASA na posibleng bumaba na rin ang temperatura sa mga kalapit na probinsya dahil hindi pa umaabot sa “peak” ang hanging amihan.

Noong nakaraang buwan, bumagsak sa 11 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio.

Naitala naman ang pinakamababang temperatura sa lungsod noong February 2017 kung saan umabot ito sa 9 degrees Celsius.

Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang aabot naman sa 23 hanggang 25 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.  JOHNNY ARASGA





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments