Tao si Digong hindi imortal

0
31


NITONG nakaraang linggo imbes mag-alala sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa matinding labanan sa Marawi City laban sa terorismo, biglang pumutok ang isyu na nagkasakit umano ang pangulo.

Hindi natin alam kung saan nanggaling ang mga ‘tsismisan’ na comatose umano ang Pangulo.

Pero, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaninong grupo ba manggagaling ‘yan? Kaya nang biglang lumutang, sinabi ng Pangulo na nasa kama siya hindi coma.

Sonabagan!

Hindi ba puwedeng mapagod ang isang presidente? Hindi ba siya puwedeng magpahinga kahit saglit?

E parang may isang grupo riyan na excited na excited at nananalangin na maglaho na si Digong?

Kung may ganyang klase ng grupo sa ating lipunan na imbes makipagtulungan upang maresolba ang nagaganap na krisis sa Mindanao e sila pa ang unang naggagatong sa publiko, masisi pa ba natin ang Pangulo kung palawigin niya ang martial law?

Ano ba ang iisipin natin sa ganitong klase ng mga tao?

Nagkaroon na ng pagkakataon na patunayan ang sarili nila pero hindi nila nagawa, tapos ngayong may mga taong nagtatatrabaho wala silang ginawa kundi mag-sourgraping?

Sa ganang atin, ‘yang mga pagmamarkulyo ng grupong gustong mategas si ‘Digong’ ay bunga ng kawalan ng kakayahang mamuno.

Kaya inggit na inggit sa kasalukuyang namumuno. ‘Yun lang!

PATAAS TARA Y TANGGA
SA TONDO! (ATTN: MPD DD
GEN. JOEL CORONEL)

080416 police bagman money

FYI Gen. Joel Coronel, may bago na naman palang kalakaran ngayon ang dalawang PCP ng Manila Police District (MPD) diyan sa Tondo.

Nagpataas ‘TARYA’ po ang bidang BAGMAN ngayon diyan na si alyas TATA O.G. Bulaklak Dalisay na nagpapakilalang KATIWALDAS ng PCP Pritil at PCP Gagalangin.

Sonabagan!!!

Ang dalawang PCP ay may nasasakupan na palengke kaya pati maliliit na manininda sa bangketa ay doble-tarya ang gusto ni Tata O.G.

Pati umano mga illegal gambling operator ay nag-iiyakan sa times 2 na taryang hinihingi ng grupo?!

Captain Co at Captain Lingit, ginagasgas na ng kumag na si Tata OG-AG ang pangalan ninyong dalawa sa kolektong.

May alam ba kayo sa raket niya?

Aba, mukhang ginagamit sa kawalanghiyaan ang pangalan ninyo, kalusin ninyo agad ang tarantadong ‘yan!

Mula umano nang umupo ang bagong hepe ng MPD PS-1 na si Supt. Ruben Ramos ay nag-umpisa na raw humataw sa kanyang kolektong si alyas Tata O.G.-AG!

Kernel Ramos, mukhang si Tata O.G. ang sasabotahe ng iyong magandang pamamalakad sa PS-1?!

Hindi kaya naliliitan siya sa inyo, Sir!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments