TALBOG!!!: RODJUN CRUZ, JACKPOT SA DUET KAY DAVE MOFFATT!

0
60


DAVE AT RODJUN

Iconic para sa mga batang 90’s ang bandang The Moffatts, kaya naman ang 90’s kid na si Rodjun Cruz ay sobrang natuwa nang maka-duet niya ang isa sa mga dating miyembro nitong si Dave Moffatt!

Napakaswerte ng Kapuso star dahil talagang up-close and personal ang experience niya sa musikero. Tinulungan din niyang mag-promote si Dave ng kanyang show sa Music Museum.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, isa ring professional yoga instructor si Dave. Kaya rin siguro mabilis silang nag-click ng Kapuso star ay dahil pareho silang health buffs!

Samantala, nakikipagtulungan na ang karakter ni Rodjun na si Joel sa Legally Blind para matapos na ang kasamaan ni William (Marc Abaya). Nahihirapan sila dahil tila laging one step ito sa kanila, kasabay pa nito ang lumalalang kalagayan ni Marissa (Chanda Romero).

Sa pagkamatay ng kapatid nina Grace (Janine Gutierrez) at Charie (Lauren Young), maging dahilan ba ito ng pagkakaisa nilang muli o mas titindi ang hidwaan ng kanilang pamilya?

‘Ikaw Nga’, swabeng-swabe!

Napabilib ng T.O.P. ang mga nakari­nig sa kanilang rendition ng ‘Ikaw Nga’ na official theme song ng Mulawin vs. Ravena. Matatandaan na una itong pinakilala ng bandang South Border noong ipalabas ang Mulawin ilang taon na ang nakakalipas, at nakatatak na sa isip ng mga tao kung gaano ito kaganda.

Pero dahil nga bagong henerasyon naman ang makakanood ng Mulawin vs. Ravena, binigyan ng T.O.P. ang kantang ito ng bagong identity. Ayon sa T.O.P., bahagi rin ng kanilang childhood ang kanta na lagi nilang naririnig noong sinusubaybayan ang Mulawin, kaya isang karangalan sa kanila na kantahin ito at gawing official theme song!

Marami rin daw ang nagre-request na sana ay magkaroon sila ng pagkaka­taong makasama ang South Border sa pagkanta nito. Siguradong papatok ito kapag nagkataon dahil swabeng swabe ang boses ng dalawang grupo at tala­gang nakakakilig!

Gardo, nagpanggap na bading!

Magsasamang muli ang magkaibigang si Ai Ai delas Alas at Gardo Versoza sa TV.

Matagal na ngang magkaibigan ang dalawang ito at sa katunayan, mismong si Ai Ai pa ang nagbigay ng moniker ni Gardong “cupcake” na trademark na ngayon ng aktor. Ngayong Linggo (May 28) sa Hay, Bahay!, makiki­gulo si Gardo bilang Bernie na isang fashion designer.

Dahil malapit na ang kasal nina Vio at Lav, inuumpisahan na nila ang pre­parations. At para sa wedding gown, gusto ni Lav ng isang bading na designer dahil mas nakukuha nito ang mga designs na gusto niya. Sakto namang nari­nig ito ng designer na si Bernie! Ang problema, hindi naman siya bading. Kaya para sa raket, magpapanggap siya at magpapakilala kina Lav bilang bading na designer.

Magtagumpay kaya ang pagpapanggap ni Bernie? O mabubuking siya ng gaydar ni Lav? Abangan ang mga kaganapan sa Hay, Bahay! ngayong Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments